Malayo na si Eunice at patuloy pa rin sa pagkirot ang dibdib n'ya dahil sa mga nalaman niya ngayon mula sa asawa. Bakit ngayon pa? Kung kailang handa na siyang tanggapin ng buong-buo ito sa buhay n'ya? Hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta at sa mga nanlalabo niyang mga mata mula sa mga likidong patuloy sa pag-agos sa mga mata n'ya ay hindi n'ya alam kung saan s'ya kayang dalhin ng mga paa n'ya na madiin ang pagkakatapak sa kotse n'ya habang mabilis pa rin itong umaandar palayo sa asawa n'ya ngayon. Isang ideya ang nabuo sa isipan n'ya ngunit hindi n'ya alam kung nasa katinuan ba s'y ngayon para gawin iyon ngayon. Sandali niyang kinapa sa compartment ng kotse n'ya ang extra phone n'ya na palaging naroon dahil hindi n'ya madalas dalhin ang phone n'ya sa mga lakad n'ya at iyon ang ginagam

