Chapter 34 Malalim na ang gabi pero ni ha ni ho ay wala man lang siyang natanggap mula sa asawa n'ya kung nasaan ba ito o kung anong oras man ito uuwi ngayong gabi o kung uuwi man ba ito ngayon. Sa palagay n'ya ay may hindi tamang nangyayari dito pero ayaw n'ya nang ilapat pa ang mga daliri roon. She's already four months pregnant at ayon na rin sa O.B gyne n'ya ay any moment now ay maaari ulit s'yang magbleed kung hindi ulit s'ya mag-iingat at iyon naman ang ayaw n'yang mangyari ulit. Wala siyang magagawa kung hindi hintayin na lang itong umuwi pero hindi pa rin maalis sa isipan n'ya kung ano ba talaga ang pinoproblema nito ngayon sa pagsasama nila. Pumayag naman na siyang huwag na nilang ituloy ang annulment nila at pareho nilang subukan ang relasyon nilang iyon at sa palagay naman n

