Chapter One

1015 Words
“Let's... break up?” “I hope you'll enjoy your vacation. Class dismissed.” I hurriedly walked out of the class with my bag unzipped and my things in my hand. I wiped the tears that kept on falling, slowly speeding up my pace of walking. Ang sikip ng dibdib ko. Parang piniga ang puso ko sa sobrang hapdi nang pag-kurot nito. Oh my gad, what did I do to deserve this? Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan na parang sinasabayan ang puso kong nagdaramdam. In a hurry to cover my head, my things fell to the ground. I didn't know what to do. I sobbed. Umiiyak na pinulot ko ang mga gamit ko saka tumakbo papunta sa pinaka-malapit na puno. I still got wet, but this is the only place na pwede kong masilungan kasi malapit lang ito sa kinaroroonan ko. I watched those people passing by in front of me, holding an umbrella to cover themselves from the heavy rain. Pinunasan ko ang mga luha ko na walang katapusang tumutulo sa pisngi ko. Ano ba naman 'to. Ang sakit talaga. Hindi ko man lang siya matawagan dahil nabasa ng ulan ang phone ko. I don't even have the will to walk out of this place anymore. I'm on my knees. Nanghihina na ang tuhod ko sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman ng puso ko. How could he do this to me? I... I gave him everything. I... I gave up a lot of things for him. Tapos... ito lang ang matatanggap kong thank you mula sa kaniya? How cruel! Parang ang unfair Mo naman sa'kin, Lord. Bakit sa'kin pa talaga nangyari 'to? Bakit ako pa? “What happened to you?” I looked up to see ate Ris, holding an umbrella to cover myself from the rain. Without saying anything, I stood up and hugged her. The moment she hugged me back, I started bawling like I was lost for a moment and finally found me in some place I don't know. “Ate... Ace... he... he broke up with me,” I wailed. Hindi siya umimik. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak hanggang sa wala ng mga luhang lumalabas sa mga mata ko. We stopped by the mall after para makapag-bihis ako. This is why I love being comforted by my ate pinsan kapag walang-wala na ako at pagod na pagod na ako. She barely said anything, but her presence said everything I needed to hear. “Are you done? Gusto mo bang bukas na lang tayo bumyahe?” Nag-aalalang tanong niya sa'kin nang makalabas na ako sa cubicle. “No, I'm fine. I'm good to go, ate,” sagot ko. “It's a long drive. You can sleep in the car. Para 'di rin magtaka si nanay kung bakit namamaga 'yang mga mata mo.” “Okay.” “Let's go. Para hindi tayo masyadong ma-gabihan.” I followed her outside and she opened the door for me. Wala sa sarili kong pinapanood ang mga tanawin sa labas ng bintana habang nagmamaneho si ate papunta sa probinsya namin. We are scheduled to visit after my class today kasi today marked the end of our school year. Hindi ko gustong isa-bukas pa ang biyahe namin dahil lang sa nararamdaman ko. Especially knowing na sobrang busy ni ate ngayon. She's currently working under her husband's company— more like she's stuck from that damned family. Despite her problems, she didn't forget papa's request. It was a red signal. Hindi ko alam kung sinadya ba ng tadhana na mapahinto kami sa tapat ng isang lugar kung saan kami pumupunta ni Ace. My chest throbbed. Napahawak ako sa dibdib ko sa biglaang pag-kirot ng puso ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. He treats me so well that I didn't expect he would leave me hanging like this. “I know you're hurt, but I hope hindi mo nakakalimutan na lahat nang paglisan ay may dahilan. I don't want to urge you to know the reason, but when the right time comes... sana naman pakinggan mo ang kaniyang rason. 'Wag mong hayaan na sakupin ka ng puot at sakit hanggang sa umabot ng galit. Hindi 'yan ang tinuro ko sa'yo,” mahinahon niyang paalala sa'kin. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko because I want to know the reason, too. I want to know why he did that to me? Bakit parang ang dali lang sa kaniya na i-text sa'kin 'yon without knowing the reason behind it? Bakit? Bakit ang dali lang sa kaniya na saktan ako ng ganito? Hindi ba siya nasasaktan sa ginawa niya? Ako lang ba ang nagdurusa sa aming dalawa? “Ang unfair lang kasi. It was easy for him. Tapos... tapos sa'kin... ang hirap... ang bigat... ang sakit sa puso, eh…” She rubbed her palm on my back to calm me down. “May nagawa ba akong mali, ate? Binigay ko naman sa kaniya ang lahat. Ang dami kong sinuko para sa kaniya. Bakit ito ang kapalit sa lahat-lahat na binigay ko sa kaniya? Nagkulang ba ako? M-may hindi ba siya nagustuhan sa'kin? Kaya ko namang magbago kung sasabihin niya sa'kin kung ano... 'di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Dalawang taon... dalawang taon kong binigay sa kaniya ang oras na dapat kong itinuon sa mga bagay na kailangan kong gawin kasi mas kailangan niya ako. Kailangan niya ako kaya nagawa kong balewalain lahat para sa kaniya kasi nga kailangan niya ako... paano naman ako, ate? Paano ako?” “I can't answer your questions, Solene Reese. If you want to know the answer, isang tao lang ang pwede mong paghanapan ng sagot sa mga tanong mo. Only Ace can answer your questions. Only him. The fact that he hurt you didn't matter as long as you knew the answer.” I wiped my tears. “Saan ko naman siya hahanapin para tanungin?” “Wala naman akong sinabi na tatanungin mo siya ngayon. Let the time find its way for you to meet. Heal your heart first. Hindi naman nagmamadali ang pag-ibig.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD