Pinilit kong minulat ang aking mga mata nang maramdamam kong may nakapatong na mainit na kamay sa dibdib ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita si Shania sa tabi ko na walang kahit anong suot na damit at tanging ang comforter ko lang ang nakacover sa katawan niya ngayon. Nakadapa siya ngayon at ang isang kamay niya ay nakapatong sa dibdib ko, she's sleeping peacefully. Shit! So totoo nga? Hindi ako nananaginip kagabi? Totoo nga iyon! Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi at halos magsugat na ang ibabang labi ko dahil sa marahan kong pagkagat dito. Hindi ko maramdaman ang pagsisisi sa sarili ko. Hindi ko alam pero natutuwa pa rin hanggang ngayon ang puso ko. Shit, anong oras na? Wala pa ba si Kuya? Napatingin ako sa pintuan n

