Matapos ang gig namin ay may nag-abot na agad sa amin ng tig-iisa naming shot glass with tequila. Sabay sabay naming nilagok iyon at nalasahan ko agad ang pait no'n at naramdaman ang mainit na padaloy nito sa lalamunan ko. Ilang taon na akong nag-iinom kaya nasasanay na ako sa mapait na lasa nito. Lalapit na sana kami sa table kung nasaan si Shania at naghihintay nang may humila sa aking isang lalaking nakawhole black maging ang sumbrero nito pero sa likod pa lang ay alam ko na kung sino siya. "Hoy, gago!" Bulyaw ko sa kaniya at sinuntok siya sa likod. Hinila ko ang kamay ko sa kaniya nang tumigil ito, "tigas talaga ng ulo mo, ano?" "Matigas din naman ang puso mo," tawa nito. Napalinga-linga ako sa paligid at baka may makapansin na naman sa amin ni Christian, iyong gagong artis

