Chapter 7
- Sia's POV -
Nandito kami ngayon sa harap ng mga magulang namin habang kaming dalawa ay magkatabing nakaupo at nagtataka kung bakit nila kami pinatawag. Naroon din ang mga kapatid namin, sa likod nila, at tila nagtataka din.
"What's the meaning of this?" Tanong ni Dad at may inilagay na papel sa harap namin. Naroon ang isang copy ng isang article tungkol sa amin at sa pagiging cheater kuno ni Matias.
"That's not true." Sabi ko.
"Which one?" Tanong naman ng daddy nya.
"Yung cheater ako." Sabi naman ni Matias. Napatingin ako sa kanya at agad din nag-iwas ng tingin.
"Then, the truth is this?" Tanong ni Mommy at itinuro ang article na tumutukot sa amin.
"Yeah."
"Yeah." Sabay naming sagot ni Matias.
"Really?" Tanong ng mga nanay namin.
"It's not about this. That rumor, that you have an relationship with that actress is still blowing up. Baka masira ang reputasyon mo bilang doctor dahil sa pagtatago mo at hindi pagsasalita?" Sabi ng Daddy ni Matias.
"I-I just panicked. I didn't know how it happened, and the first thing I do is call Sia and say to her that it's not true." Sabi nito at wala sa kanya ngayon ang masayahing Matias na kilala ko.
"It's my fault, too." Sabi ko para mabawasan ang lungkot ni Matias.
"Yes. It's you two's fault. Kung hindi kayo nagtatago ng relasyon nyo at inayos nyo agad ang problema sa issue na yan ay hindi kayo magiging ganito ngayon." Sabi ni Dad.
"By the way, ilang beses ng may nangyari sa inyo?" Biglang tanong ni Mommy.
"Janise." Saway ni Daddy kay Mommy.
"What? I just want to ask them."
"Dalawa." Sabi ni Matais na ikinagulat ko. Napalingon ako sa kanya at agad syang tinambangan.
"Ano ba? Bakit mo sinabi?" Tanong ko sa kanya.
"They want to knowーーー"
"They didn't have to know. It's our private life, Matias. It's embarrassing." Sabi ko pa.
"Dalawa na? Meron na ba kayong nabubuo?" Tanong ng Mommy nya.
"Wala pa, ehh." Malungkot na sabi ni Matias. "We try to, but we still can't." Sabi nya pa at lumingon sa akin. Binigyan ko sya ng ngiti at bigla nyang yumakap sa akin. Maya-maya pa ay bigla itong humikbi kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Shh... It's ok." Sabi ko. Tumayo na ako at dinala si Matias sa kwarto ko. Pagdating namin doon ay patuloy parin sya sa pag-iyak at ngayon ko lang ito nakitang umiyak ng ganito.
"I'm sorry." Sabi nito at yumakap ulit sa akin.
"Shhh... It's ok, it's ok. Wag ka nang umiyak. Makakabuo rin tayo, promise." Sabi ko habang yakap parin sya.
________________________________
Natapos na sa pag-iyak si Matias at nag-usap-usap na kami. Nang maipost ito kanina ay bigla nalang itong nawala. Parang pinost lang sya at kaagad ding binura. Dahil naiinis parin ang mga magulang namin ay sinabi nilang kakausapin daw nila ang artistang iyon.
Habang kami naman ni Matias ay pinalipay na nila sa iisang bahay. Kaagad naman pumayag si Matias habang ako ay wala nang nagawa dahil kinukilit na ako ng kinulit ni Matias ay pumayag na ako. Hindi pa lumilipas ang isang araw ay nasa bahay na nya kami, sa D' Villas.
Marami na ang mga bahay na nakatayo doon at ang iba sa amin ay doon na nakatira. Shempre, yung may mga asawa lang. Nakakapagtaka lang na dito na kami titira, hindi pa naman kami kasal. Nakatayo na ako sa harap ng bahay habang si Matias ay pinapasok ang mga gamit namin.
"Bakit dito tayo titira? Hindi pa naman tayo mag-asawa." Sabi ko. Nilingon nya naman ako at ngumiti.
"Pero, girlfriend na kita." Sabi nya at hinila na ako papasok ng bahay. Pagpasok ko palang ay tumambad na kaagad sa akin ang napakagandang disenyo ng bahay.
"Wow..." Mahina at namamangha kong sabi.
"Do you like it?" Tanong nya.
"Like it?" Patanong kong sabi at nag-aalangan pa. "I love it." Masigla kong sabi at kaagad tumakbo at naupo sa sofa na naroon sa living room. Sya naman ay nagpakawala ng hininga, yung parang nakahinga sya ng maluwag.
"Akala ko, di mo nagustuhan, ehh." Sabi nya at tumabi sa akin ng upo. "Dito na tayo titira simula ngayon." Sabi nya pa.
"Yeah, forever. And together." Nakangiti kong sabi at yumakap sa kanya.
"Gusto mo bang makita ang kwarto?" Tanong nya. Agad akong tumango at tumayo. Agad syang sumunod sa akin at dinala ang mga gamit namin. Hindi pa man kami nakaaakyat sa itaas ay namamangha na ang ako, sa hagdanan palang.
Nang makarating kami sa hallway ng second floor ay parang mawawasak na ang bibig ko kakanganga sa pagkamangha. Mas lalo akong namangha nang buksan at makapasok kami sa kwarto namin. Agad akong pumunta doon sa kama at nahiga.
"Ang sarap." Sabi ko at halatang satisfied ako.
________________________________
Lumipas ang ilang mga araw ay natapos na ang imbistigasyon nila tungkol sa issue na lumabas sa amin at sa aktress na iyon. Ngayon ay nandito kami at makakausap daw namin ang aktress na sinasabi nila. Tahimik lang kaming naghihintay ni Matias dito habang sya ay wala pa.
"They're here." Sabi sa amin. Agad kaming tumayo at agad ding pumasok ang babae sa loob ng kwarto kung nasaan kami.
"Who's here?" Rinig naming tanong nya. Naglakad pa ito ng kaunti at nagkita-kita na din kaming tatlo. "Kayo?" Tanong nito.
"We're here because we want to talk to you." Sabi ko at tinignan si Matias.
"Hindi kami nandito para makipag-away. Gusto lang naming makausap ka at yun lang talaga." Sabi naman ni Matias.
"What the hell do you want from me?" Tanong nya sa amin at talagang napakabastos palaga talaga nitong babaeng to. Tumayo ito at nilapitan ako. "Alam mo, kung hindi ka lang nakialam, sana kasali na ako sa Dynasty." Sabi ito at talagang parang kasalanan ko pa ang nangyari.
"What are you saying?" Tanong ko sa kanya. Si Matias naman ay hindi na alam ang gagawin dahil papatulan ko na talaga ang babaeng to kapag hindi pa sya tumigil.
"I'm just saying that you're such a sl*t." Sabi nito. At dahil wala na talaga ang pasensya ko ay sasampalin ko na sana ito ng bigla nya itong napigilan at tinulak ako. Hindi ko alam pero parang huminto ang oras ko ng mga oras na iyon.
Agad akong bumagsak sa sahig at talagang napakalakas ng bagsak ko dahil malakas ang agig tunog nito at malakas din ang impact sa akin. Si Matias naman ay agad akong nilapitan at nagsimula na ding mataranta.
- Matias' POV -
Biglang bumagsak si Sia sa sahig at hindi ko alam kung bakit bumagsak parin sya kahit hawak ko pa naman sya. Agad akong lumapit sa kanya at hindi ko na alam kung anong gagawin dahil parang nasaktan talaga si Sia.
"Sia." Tawag ko sa kanya at inalalayan syng tumayo.
"I'm feel pity, you end up to that girl." Sabi nung babaeng nasa harap ko. "A pathetic and loser." Sabi nya pa habang inaalalayan kong tumayo si Sia.
"Are you ok?" Tanong ko kay Sia.
"N-Nahihilo ako, Matias." Mahina nitong sabi. Inalalayan ko naman syang makatayo ng maayos at hinayaan muna syang kumapit sa akin.
"Such a loser."
"Can you just shut up?" Naiinis ko nang sabi. Inalalayan ko nang maglakad si Sia dahil dadalhin ko sya sa ospital. Iniwan na namin ang babaeng iyon sa kwartong iyon at dinala ko sya sa parking lot.
"M-Matias." Mahina nyang tawag sa akin. Agad akong napalingon sa kanya at nanlaki ang mata ko at lalo akong nataranta ng makita kong dinudugo na sya. Hindi ko alam kung paano ko syang nabuhat at nadala sa kotse ng ganon kadali.
Agad ko syang inayos at saka ako sumakay para dalhin na sya sa ospital. Nagsisimula na din syang umaliyak at nagrerelamo na na masakit daw. Mas binilisan ko pagmamaneho ko kaya agad kaming nakarating sa ospital.
Agad syang dinala sa emergency room at doon sya tinignan habang ako naman ay nasa labas lang at naghihintay sa girlfriend ko. Maya-maya pa ay lumabas na ang mga tumingin sa kanya at sinabi nilang ililipat daw ng kwarto ang asawa.
"Ano po bang nangyari sa kanya? Bakit sya dinugo?" Tanong ko sa doctor.
"She's pregnant, mr. Flores." Sabi nito. "Mabuti at naagapan nyo kaya hindi lumala at nalaglag ang bata sa sinapupunan ng asawa nyo. Kapag nagising na sya ay i-che-check pa namin sya ng isang beses bago kayo makalabas." Sabi nito at nagpaalam na.
Ako naman ay parang nanlulumo at nagsisisi kung bakit ko pa sinama at dinala doon ang mag-ina ko. Kung alam ko lang din na magiging ganito at buntis sya ay hindi ko na sana sya dinala doon. Naglakad na ako papunta sa kwarto ng mag-ina ko at nang makarating ako doon at natutulog parin si Sia.
Naupo ako sa tabi nya at hinintay syang magising. Lumipas ang ilang oras ay nagising na din ito kaya agad kong pinatawag ang doktor nya. Kaagad nilang tinignan ang asawa ko at sinabing pwede na kaming makalabas mamaya kapag nakapag-pahinga pa ng kaunti si Sia
- To Be Continued -
(Wed, January 5, 2022)