Hindi ako makasagot kay Vios. Galit na galit siyang nakatitig sa akin. Halos lamunin na niya ako kung may pagkakataon. Nalusaw ang lahat ng galit ko noon, nasulaw lahat ng sakit na pinagdaanan ko noon, nalusaw lahat ng nalikom kong enerhiya. Isang lang ngayon ang nararamdaman ko. Pagmamahal. I love him! Pagmamahal para sa kaniya. Para kay Vios... Nakakatawa dahil sa isang iglap lamang. Ito na ako handang lumuhod at magmakaawa. Handang magpaliwanag sa kasalanan na nagawa ko. Ang mga nagawa kong hindi makatao. Dahil hindi makatao ang ginawa sa akin ay gano'n din ang ibinalik kong kapalit. I lost 4 fetus because of rage! I lost four children because I can't raise them. "I-Irene..." halos hindi na kayang humarap sa akin ni Vios sa galit. "I can explain," pinilit kong magpakatatag. Tuming

