Nakalatag na ang lahat. Napresenta na ang mga ebidensya. Nalaman na ang katotohanan sa likod ng pagpapadukot kay Irene. Naipakita na kay Irene ang mga totoo nilang pagkataon. Nadinig na ang katotohanan sa kaniyang pagkatao. Nailabas na niya ang lahat ng kaya niyang gawin. Talo pa rin siya. Siya pa rin sa huli ang nawalan, naubusan, at nasaktan. Ngayon ay nasa harap siya ng husgado. Binabasa na ng hatol ang mga nasasakdal. Hinarap nina Recca, Jo, at Alejandro ang parusa sa kaniyang kagagawan gaya ng kanilang pinagkasunduan. Bilang kapalit sa kanilang pagsira sa kaniyang buhay. Lahat sila, "Guilty!" Reclusion perpetua. Habambuhay na pagkakakulong ang tatamasin nila sa krimen na kanilang ginawa. Gano'n din ang patutunguhan nina Jacinto, Rogelio at Melinda. Pinagmumulta din sila ng malak

