No! Hindi pwede. Hindi ako papayag. Dapat ay tapos na ang ugnayan namin. Naibigay ko na ang pera sa kaniya, ano pa ba ang kailangan niya? Shit! Vios Del Valle, you can't do this to me! You! Pinipigilan ko ang sarili kong magalit o magsalita sa ginagawa niya. Kailan pa 'to? This is betrayal. Anong nangyari habang wala ako? Ba't hindi ko ito alam? Umiwas ako ng tingin sa kanila. Napatingin naman sa akin si Vios, kahit hindi ko siya binabalingan ay alam ko ang maiinit niyang titig sa akin. I knew I need to stay away from him, but how? Now that I really can't. Ano 'tong nangyayari? Papaano ko siya matatakasan?! "Thank you for the help. Malaking tulong ka para sa kaso ni Irene," naglahad pa si Dad ng kamay sa kaniya. Hindi pa rin ako lumingon at si Warren naman ay hawak-hawak pa rin ang ka

