"Sino ba ang nag-utos sa inyo para i-kidnap si Irene Zamora?" Tanong ng abogado ko kay Jo. Diretso lang ito ng tingin sa akin at walang laman ang kaniyang mukha. As I predicted, they'll never spill shits. Matatapos ang kasong ito na walang mastermind na mahuhuli. Inaasahan ko na ito pero lalong dumidilim ang loob ko sa sitwasyon na ito. Madilim ko siyang sinuklian ng tingin. Hindi ako tataob sa ganiyan lamang. Hanggang sa huli ay lalaban ako. Kailangan nilang pagbayaran lahat ng kasalanan nila. Ito na rin siguro ang pinakahuling hearing sa kaso ko. Next month ay makakakuha na ako ng full report nitong kaso ko at papaano nila pagtatagpiin ang mga evidensyang nakalap nila. Mananalo ako sa kasong ito alam ko, pero magpapatuloy pa rin ang paghahanap ng mastermind hanggang umabot sa sukdulan.

