IRENE Naghintay ako sa reply niya at usually nagrereply ito agad, pero wala. Nagtaka naman ako pero imbis na tumunganga ay lumabas ako ng banyo at kinuha ang pouch ko kung saan ti-next sa akin ni Vios na naroroon ang susi sa collar sa leeg ko. Iyon ang pinagtuunan ko ng pansin. Mahirap kapag walang tumutulong sa 'yong tanggalin ang collar. Tatlong minuto akong naghirap bago ko matanggal ang collar sa leeg ko. Hiningal ako bigla. Para bang lumuwang ang pakiramdam ko. Para bang ang tagal kong hindi nakakahinga. That was freedom for me, at kung gusto kong tuloy-tuloy na ay kailangan na akong itakas dito ni Vios. "Where are you?" Monologue ko sa sarili habang binabalikan ang cellphone sa banyo para kunin. What is taking him so long? Sumusunod ba siya sa usapan namin? Matapos niya akong iw

