Episode 4

1100 Words
"Gising ka pa?" tanong ni Lyndon ng naabutan pa akong gising. Pasado ala-una na ng madaling araw at ngayon lamang siya umuwi buhat sa kanyang trabaho. Pero sino ba ang niloko niya? Ngayon pa ba na alam ko na ang sikreto niya na alam din ng buong pamilya niya. "Nanood kasi ako ng korean drama. Sobrang na hook ako sa magandang istorya kaya hindi ko tinigilan ang mga episodes hanggang sa matapos ko." Malumanay kong sagot. Gaya ng nakagawian ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nilapitan siya para tulungan na maghubad ng kanyang suot. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay nakikita ko ang eksena sa ospital. Masaya niyang hinahalik-halikan ang kamay ng babaeng nabuntis niya. Ang kamay ng babaeng dala-dala ang magiging anak nilang dalawa. "Maganda nga siguro ang kuwento dahil hindi ka naman mahilig manood ng mga drama." Napangiti ako ng hilaw sa komento niya. "Oo, kwento ng isang babaeng niloko ng asawa." Nakangiti kong sagot habang nakatitig ng diretso sa kanyang kulay tsokolate n mga mata. "Nakakadala ng damdamin ang ipinakitang pag-arte ng bidang babae kaya naiyak ako." Dagdag ko. "Siya nga naman ang legal na asawa pero siya ang nagpaubaya dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa." Pagpapatuloy ko sa pagkukwento. Nanatiling walang imik si Lyndon. "Kaya hon, handa kitang palayain kung sakaling hindi mo na rin ako mahal," sambit ko pa. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Tila ba nakarinig ng isang magandang balita. "Handa kitang ipaubaya sa iba maging masaya ka lang. Handa akong magsakripisyo kung kapalit ang ikakaligaya mo." Madamdaming kong pagpapatulog na hayag. Pinipigilan ko ang nagbabadya kong luha. "A-anu-ano ang mga sinasabi mo, hon. Manood ka na nga lamang ng mga cooking tutorial at masama ang impluwensya sayo ng mga drama." Seryosong niyang turan sa akin. Nanahimik ako at walang ma apuhap na salita. Ang bigat sa pakiramdam. Batid ko ang katotohanan pero bakit ako pa ang natatakot komompronta? Oo, dahil natatakot akong marinig na mas pipiliin niya ang babaeng nabuntis kaysa sa aking asawa niya. Alam kong nahihirapan na rin si Lyndon sa sitwasyon. Ramdam ko 'yon ng gabing niyakap niya ako at paulit-ulit niyang binabaggit ang salitang sorry. Kaya nitong mga nakaraang araw simula nang malaman ko ang sikreto niyang itinatago. Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga bagay-bagay. Bumuo ako ng isang desisyon na alam kong makapag papabago ng lahat. Bumuntong-hininga ako at ngumiti ng matamis sa asawa ko. "Hon, do you still love me?" Halatang mas nagulat si Lyndon sa biglaan kong pagtatanong. Kung dati ay tinatawanan niya lamang ang katanungan kong iyon na madalas ko ng itanong sa kanya. Ngayon ay tila ba nag-isip siya. "Bakit naman ganyan ang tanong mo? Huwag ka na ngang manonood ng mga drama." Nahimigan ko ang inis sa kanyang baritono na tinig. "I'm just asking because I love you so much." Malambing kong lahad. Nanatili lamang ang mga mata ni Lyndon sa aking mukha. Alam kong may nais siyang sabihin pa. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Kinausap ko na si Attorney Nieves noong pang isang araw and I filed an annulment para mawalan na ng bisa ang kasal nating dalawa." Litong-lito ang itsura ng mukha ng asawa ko. Nagtatanong ang kanyang mga mata. And yes, ako mismo ang makipag hiwalay sa kanya. Pinag-isipan kong mabuti ang bagay na 'yon. Ayokong habang-buhay na lokohin niya ako dahil baka wala man siyang balak sabihin sa akin ang tungkol sa babae at sa magiging anak nila. "Abby, ano ba ang mga sinasabi mo?" mahina niyang tanong. "Walang forever. Ganun naman talaga ang buhay." Bahagya ko pang nilangkapan ng tawa ang pagsasalita ko. "Akala ko dahil mahal mo ako at mahal kita wala ng makakatibag ng pagsasama natin na dalawa. Akala ko kuntento at masaya na ako habang nariyan ka sa tabi ko. Kasi kapag nariyan ka, masaya ako. Kapag nariyan ka, pakiramdam ko napaka espesyal ko. Kapag sinasabi mo sa akin kung gaano mo ako kamahal. Pakiramdam ko ako na ang pinakamaganda at seksing babae sa mundo sa kabila ng pagiging mataba at pagiging pangit ko sa paningin ng ibang tao." Pagpapatuloy ko. "Kaya naman sa maraming taon na nating pinagsamahan. Sa mga pangarap mo na nabuo at natupad na magkasama tayo at sa mga pangarap na bubuuin pa sana natin sa marami pang taon na darating. Hindi ko akalain na darating ang araw na kailangan kitang palayain." Tumutulo na ang luha ko pero diretso pa rin ang bawat salitang namumutawi sa aking labi. "Abegail," tanging sambit niya "Nakita ko kayo sa ospital." Tumalikod ako mula sa sa kanyang presensya at lumakad ng marahan patungo sa gawi ng bintana para hawiin ang makapal na kurtina at silipin kung mayroong buwan sa madilim na kalangitan. Ayokong makita niya pa ang lungkot sa aking mga mata. "Alam mo, para akong sinaksak ng ilang libong patalim ng makita kitang hinahalikan ang kanyang kamay. At gusto ko na nga talagang mamatay nang marinig kong magkakaroon na kayo ng baby." Humikbi ako pero tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang lalo pang paghikbi. "Baby. Isang anak na hindi ko maibigay-bigay kaya naman libong sakit din ang aking nararamdaman." Niyakap ako ni Lyndon pero nanghihina na akong tabigin ang mga kamay niya. Nanghihina akong kumawala sa yakap niyang pipilitin kong kalimutan ngayon pa lang. Buburahin ko sa aking isipan ang mga halik niyang nangako ng panghabangbuhay na pagmamahal. "Abby, I'm so sorry." Mahina niyang bulong habang umaalog ang kanyang balikat. Para saan ang pag-iyak niya? Sa lungkot ba dahil maghihiwalay na kami? O dahil masayang-masaya na siya na ako na mismo ang magpaparaya para sa relasyong makasalanan na itinatago nila ng babae niya. "Lyndon, sinaktan mo ako sa pinakamasakit na paraan na pwedeng maramdaman ng isang asawang pinagtaksilan." Mahinahon ko pa rin na nasambit habang nanlalabo na lalo ang aking mga mata habang nakatingala sa kadiliman ng langit. "Ako ang asawa mo na hindi ka mabigyan ng anak tapos malaman ko na nakabuntis ka at magkakaanak na." Ramdam ko ang ang sakit na pakiwaring nahihiwa ang sarili kong kalamnan sa inilahad kong mga salita. Nanatili lamang kami sa ganung posisyon. Nakayakap siya sa akin at batid ko rin ang pag-agos ng kanyang luha at walang katapusang paghingi ng tawad. Nakatingin ako sa lawak ng itim ng gabi. Walang buwan o kahit isang bituin man lang. Para bang nakikiramay sa kapighatian mula sa aking kaibuturan. Iniwan ko siya sa silid namin at tumuloy sa ibang silid. Iyak lamang ako ng iyak na tila wala ng katapusan. Ibinuhos kong lahat. Lahat-lahat. Pero sadyang hindi pa rin sapat. Nanatili lamang akong gising sa buong magdamag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD