Muntik na akong mabilaukan ng tubig ng iniinom ko ng magawi ang paningin ko sa labas ng bahay at makita kung ano ang ginagawa ng bulto ng isang tao. Nasilip ko lang naman si Lyndon sa bukas na bintana na nagsasampay ng mga damit. At ang kasalukuyan na iniipit sa hanger ay walang iba kung hindi ang damit panloob ko. Kaya naman mula sa kusina ng bahay ay halos takbuhin ko ang labas ng bahay. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?!" hindi ko napigilan na magtaas ng tono ng boses at sabay agaw ng panty ko sa kamay ng dati kong asawa na kunot-noo na nakatingin sa akin na waring nabigla pa sa biglaan kong pagsulpot sa kanyang likod at pagsasalita. "Nakita ko kasi na marami na kayong damit na marumi ni Lyndsay sa laundry basket sa kwarto niyo kaya pinakialam ko ng labahan. Tulog na tulog ka pa

