Kabanata 16 : Damn Happy After ng shoot namin ay nag-almusal muna kami bago kuhanan ang eksena naming dalawa ni James. "Eat these," Nilalagyan ng pagkain ang plato ko ni James. Ang alam kasi ng iba naming kasama dito ay kaming dalawa kaya ayan siya at napapaka-boyfried. "Thank," I said and smiled. Tinutukso pa kami ng ibang staff sa ka-sweet-an naming dalawa. Gusto kong makita ito ni JK para malaman ko kung magseselos ba siya. Pero busy siya sa kanyang laptop sa loob ng room niya. Ang weird ng inaakto niya kanina. Para bang gusto niya akong bumigay sa kanya. First time niya akong titigan ng may kahulugan. O ako lang iyong nagbibigay ng malisya sa mga titig na iyon. Pero iba kasi ang mga titig na iyon, may laman. "After natin kuhanan ang eksena niyo, pwede muna kayong mag-libot s

