Kabanata 27 : Upside down Kathy's POV Sobrang antok ko nang makarating sa isang malaking Condo kung saan ang shooting. Tamad na tamad akong kumilos dahil gusto ko pang matulog. Bakit ba kasi tinotopak itong si JK! Nakakainis. Kung siguro hindi bawal mag-quit ay kahapon pa ako nag-quit, e. Kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko kay JK. Dapat iparamdam ko sakanya na hindi siya kawalan. Uminom muna ako ng vitamins at saka binasa ang script habang inaayusan ako. 8 o'clock ang call time pero inagahan na namin para hindi ako ngarag kapag magsisimula na. Si Caden Lock ang ka-eksena ko ngayon. Mas lalo yatang tatagal ang taping dahil sa isang 'yon. Baka puro landi lang ang alam no'n, e. Feeling ko nga baka bukas na matapos ang taping. Magaling naman umarte si Caden pero wala akong t

