Kabanata 18 : Kiss Me "Walanghiya ka talaga!" Sigaw ko kay Andana habang ka-video call ko siya. Tumawa lang siya nang tumawa sa mga sinasabi ko. Alam niya pala kung sino ang nagbigay ng tickets at kasabwat pala siya ng lalaking katabi ko ngayon na sobrang lawak ang ngiti. Plano pala nila lahat nang ito. Pati si Mommy kinausap nila na huwag pumayag na sumama sa akin para i-surprise ako ni JK. Well, na-surprise naman talaga ako at sobrang saya ko at the same time, naiinis. "Paano mo nalaman na gusto kong maka-attend sa isang concert?" Tanong ko na medyo maypagka-banas. Ngumiti muna siya at saka umayos ng upo. "Walang hindi kayang gawin ang isang tulad ko," He then winked at me. Ginaya niya pa iyong linya na sinabi ko sakanya dati. "And...I'm sorry last night," Pahabol niya na mukhan

