Chapter 18: Argument
INIWAN na kami ng kasamahan namin at kaming dalawa na lamang ni Archi ang naiwan sa loob. Matagal bago siya nahimasmasan at pinunasan pa niya ang mga luha niya.
Hinila pa niya ako para paupuin at matiim niyang tinitigan. Nag-iwas ako nang tingin dahil sa pagbilis ng heartbeat ko pero hinawakan niya ang chin ko at pinisil.
“Paano mo nagawa sa akin iyon, Dalia? Sa apat na taon na iyon ay wala talaga akong kamalay-malay. Kaya naman pala mayroon akong mga alaala, na hindi raw si Kalla ang kasama ko sa kama dahil ikaw ang nakikita ko. Pero iniisip ko na panaginip lang iyon, na masyado lang akong nababaliw para makuha at maangkin ka,” seryosong sambit pa niya. Na-g-guilty ako at wala akong masabi.
Ayokong mag-sorry dahil mas lalo lang siyang magagalit kapag sinabi ko pa iyon. Naramdaman ko lang ang paghapit niya sa baywang ko at bago pa ako makapagprotesta ay mariin na niya akong hinalikan. Natigilan ako at parang nanigas mula sa kinauupuan ko. Ngayon niya lang ako hinalikan.
Bumitaw rin siya at tumitig sa mukha ko. Namumungay na ang mga mata niya at muli niya akong hinalikan. Bumaba pa iyon sa leeg ko at napahawak na ako sa balikat niya. Tumigil din siya at isinandal niya ang ulo niya roon.
“Ikaw nga iyon. . .” sabi niya at muli niya lang akong niyakap.
Isang oras lang ang itinagal ko roon at inuwi rin ako nina Randell at Zavein. Ayoko mang iwan si Archi ay kailangan iyon. Sumuko na siya at iyon na ang mahalaga para sa amin.
“Kumusta ang pinag-usapan ninyo ni kuya, Dalia?” tanong sa akin ni Zavein pagkauwi namin.
“Maayos naman. Nakikita ko na sumuko na rin talaga siya sa kahibangan niya kay Jean,” sabi ko na ikinatawa niya.
“Dapat lang, hindi masaya sa kaniya si Kalla. Nakikita ko iyon. Nakikita kong nahihirapan siya,” wika niya na tinanguan ko. “Tale your rest, Dalia. Huwag kang magpuyat.” I just smiled at him.
MAAGA pa lang ay naghanda na ako para sa pagdalaw ko mamaya kay Archimedes. Limang taon pa ang itatagal niya sa selda pero kaya kong tiisin iyon. Kaya kong maghintay para sa kanya dahil iyon ang pangako ko.
Ang binitawan kong pangako na maghihintay ako sa kanya, kami ng anak namin. Alam kong may pinagdadaanan talaga siya kaya nagawa niya ang bagay na iyon.
Takot siyang maiwanan ng taong mahal niya. That’s why hindi ko siya hahayaan na maramdaman pa iyon. Genuine ang pagmamahal ko kay Archimedes kahit na parang imposible, ’di ba? Pero iyon talaga ang totoo. Mahal na mahal ko siya.
“OMG!” Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng pinsan ni Archi. Si Zavein. Kasalukuyan na kasi akong nasa kusina at nagluluto na rin. Isasabay ko na rin sana ang breakfast namin.
Siya ngayon ang kasama ko rito sa bagong bahay na binili niya gamit ang pera ni Archi. Marami nga kaming kasambahay rito at hindi ako sanay na pinagsisilbihan nila. Nang makita nga nila ako kanina ay pinigilan pa nila ako pero wala silang nagawa nang sabihin kong ako na lang ang magluluto.
Mahirap lang kasi ang pamilya ko at wala ring kaya sa buhay. Kaya kumapit na ako sa patalim para lang maihaon ko naman sa kahirapan ang pamilya ko. Iyon nga lang hindi naging madali para sa akin ang lahat.
Namatay ang mga magulang ko dahil sa aksidenteng sunog sa bahay namin. Mabuti na lamang ay wala sa bahay ang dalawang nakababata kong kapatid sa mga oras na iyon. Dahil na rin kailangan kong lumuwas sa Manila at iniwan ko na muna sila pansamantala sa bahay ng tiyahin ko. Oo, may tiya pa ako pero ubod naman ng kasungitan at alam kong mahihirapan ang mga kapatid ko. Pahihirapan din sila roon. Hindi ko pa nga lang sila kayang sunduin ngayon dahil nahihiya ako.
Nahihiya ako kay Zavein at mas lalo na kay Archimedes. Baka isipin nila na ginagamit ko ang batang nasa sinapupunan ko para lang sa kayamanan ni Archi. Hindi ako ganoong klaseng tao kahit na...isa na akong maruming babae pero malinis ang hangarin ko at may busilak akong puso. Kahit ang bagay lang naman iyon na kaya kong ipagmalaki sa lalaking mahal ko.
“P-Pasensiya na, Zavein. N-Nagluto lang kasi ako,” nauutal na sambit ko.
“Exactly!” Halos magtubig ang mga mata ko sa sigaw niya. Buntis ako kaya emosyunal ako at natatakot na agad kapag may sumisigaw sa akin. “Oh, dear! Don’t cry. H-Hindi naman kita inaaway,” pag-aalo niya bigla at hinawakan ang kamay ko para paupuin ako sa highchair. “You don’t need to do this, Dalia. You’re pregnant for Pete’s sake. Marami tayong servant here at sila ang utusan mo na magluto o kaya naman ako. Dear, gusto mo yata akong ipapatay sa pinsan ko?” Mabilis naman akong umiling.
“H-Hindi. Para rin ito kay Archimedes. Dahil ngayon na siya puwedeng bisitahin, ’di ba?” Tumango naman siya.
“So, para kay kuya ito?” Itinuro pa niya ang mga pagkain na niluto ko.
“Oo.”
“Right, tulungan na lang kita. Tandaan mo ang sinabi ng doctor mo, Dalia. Bawal kang magtrabaho, magdala ng mga mabibigat na bagay at mas lalo na ang ma-stress. Tandaan mo na muntik ka nang makunan. Meaning, sensitive ang pagbubuntis mo at mahina lang ang kapit ng baby mo. Alagaan mo ang sarili mo, please. Para pagbalik ni Kuya Archimedes... I-Isang pamilya ang sasalubong sa kanya... Ang mag-ina niya.” Sunod-sunod akong napatango sa sinabi niya. Kasi gusto ko ang idea na iyon.
“Tatandaan ko,” sabi ko at saka siya ngumiti.
“Kuya chose to give up for Kalla, and Kalla or Jean deserve to be happy with her family and ganoon din si Kuya. Ikaw mismo ang magbibigay sa kanya ng masayang pamilya, Dalia. So, please. Stop working, okay? Best friend kami ni Kalla and puwede mo rin akong maging kaibigan. Since pamangkin ko rin ang baby na dala-dala mo ngayon.”
Mabait naman talaga si Zavein, nahihiya lang talaga akong i-approach siya. Sinabi na rin niya na huwag akong magdalawang isip na lapitan siya kapag may kailangan na ako.
Siya ang nagdala ng paperbag habang akay-akay ako. Visible na rin ang baby bump ko kasi ilang buwan din naming hinintay ni Zavein ang araw na ito.
Sa visiting area kami naghintay at nakaupo na rin ako. Katabi ko si Zavein. Ang dala naming paperbag ay nakapatong na sa mesa. Kinakabahan ako sa totoo lang.
Kasi ang huli naming pag-uusap ay iyong araw na kasama rin namin si Kalla, kasama ang fiancé niya.
Light green ang suot kong bestida na umabot hanggang tuhod ko ang haba nito. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at oo, nag-ayos pa talaga ako para lang sa kanya. Kahit kabado rin ako masyado. Gusto ko kasi na makita ako ni Archi na disente.
Bumukas ang pinto at nakita ko na roon ang lalaking mahal ko na hindi ko inakala na magsusuot na siya ng ganyang damit. Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin nabawasan ang kagandahan niyang lalaki. Malaki nga lang ang pinayat niya pero alam kong makababawi rin ang katawan niya. Kung hindi lang siguro naawa sa kanya ang Brilliantes clan ay baka aabot siya sa sampung taon sa kulungan pero binabaan din ng mga ito, kasi umamin din siya sa kasalanan niya.
Tumayo si Zavein at sinalubong niya ang pinsan niya nang mahigpit na yakap. Tipid na ngiti lang ang nagawa nito.
“Oh, siya. Gusto kong solohin ninyo ang isa’t isa. Kaya iiwan ko na muna kayo rito. Balikan na lang kita, Dalia,” sabi ni Zavein at tanging pagtango lang ang nagagawa ko.
Dumapo na nga ang paningin ni Archimedes sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Tatayo ba ako para yakapin din siya katulad nang ginawa ng kanyang pinsan? O uupo na lamang ako at hihintayin siya na may gawin? Kahit imposible yata.
“Kumusta?” Sa wakas ay may nasabi na rin ako. Ilang segundo kasing naghari ang katahimikan sa pagitan namin.
Bumilis lalo ang t***k ng puso ko nang hindi siya nagsalita at walang emosyon niya lamang akong tinitigan. Ang hirap niyang basahin sa totoo lang.
Ngunit nang tumayo ako ay saka siya dahan-dahan na lumapit sa ’kin nang hindi niya pinuputol ang titig sa mga mata ko. Hindi ko na rin sinubukan pa na humakbang, dahil nagkukusa siya. Hanggang sa hapitin niya ako sa baywang at nagdikit ang aming mga katawan. Isa ito sa hinahanap-hanap ko. Ang mainit na yakap niya.
Humawak na ako sa baywang niya para yakapin din siya hanggang sa sumiksik siya sa leeg ko.
“I miss you...” Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa mahinang-mahina niyang bulong. Idiniin niya ang ulo ko sa dibdib niya na kalmado lang ang heartbeat niya pero kung puso ko ay nagwawala na.
Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Humahaplos ang kamay niya sa baywang ko hanggang sa umabot iyon sa aking tiyan at naramdaman kong natigilan siya.
Bahagya siyang dumistansya at doon lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Unti-unting bumaba ang paningin niya at napaatras pa siya nang makita ang maliit kong umbok na tiyan. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay.
“Feel it, Archi. Lumalaki na ang baby natin sa tummy ko,” sabi ko at dinala ko sa tiyan ko ang malaki niyang kamay na muntik pa niyang bawiin pero sa huli ay masuyong hinaplos niya rin iyon.
Hanggang sa lumuhod siya at hinalikan iyon saka parang kinakausap niya. Tumayo rin siya at humalik sa noo ko. Mahigpit na niyakap na naman niya ako. Walang salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Tanging pagkilos niya lang na naging sapat na para sa ’kin. Masaya na ako sa simpleng kilos niya. Dahil nararamdaman kong mahalaga ako sa kanya.
“How are you and the baby?” He finally spoke. Magkatabi na kaming nakaupo at nakapulupot ang braso niya sa baywang ko. Inasikaso ko ang pagkain niya.
“Okay lang kami ni baby,” sagot ko lang. He kissed my temple again.
“Glad to hear that.” Hindi nawala ang paghaplos niya sa aking tiyan na ikinangiti ko pa iyon ng lihim.
“H-Hindi pa nga lang ako nakabisita sa OB na ni-refer sa ’kin ni Kalla,” nahihiyang sabi ko at bigla ay binawi niya ang kamay niya.
Nang marinig niya ang pangalan ni Kalla ay nagbago rin ang emosyon na naglalaro sa mga mata, nagiging blangko na naman at tumigas ang kanyang ekspresyon.
Tumayo siya at humarap sa salamin. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang pulis. Nataranta ako nang gusto na niyang bumalik sa selda.
“Maaari na po kayong umalis, Ma’am.”
“P-Pero hindi pa po... Archi, hindi ka pa kumakain. Ako ang nagluto nito. Bakit...bakit gusto mo nang bumalik agad?” tanong ko at may mga luha na sa aking pisngi. Hahawakan ko na sana siya nang mabilis niyang itinago ang dalawang kamay niya. “Archi...”
“Leave at huwag ka nang babalik pa rito...” malamig pa sa yelong saad niya. Pinagtatabuyan na naman niya ako.
“Archi... A-Ano ba ang problema mo? N-Nagalit ka ba dahil narinig mo ang pangalan ni Ka—”
“I don’t love you. Just leave,” putol niya sa sasabihin ko sana. Bakit bigla siyang nagkaganito?
“Y-You’re unbelievable... K-Kanina lang tayo okay pero n-ngayon... Huwag mo naman akong paalisin, Archimedes. Ilang buwan ko rin itong hinintay... G-Gusto pa kitang makasama...” umiiyak na sambit ko.
Malamig niya akong binalingan. “Leave, just take care of my child, and when I came back... Ang anak ko lang ang kukunin ko at tatanggapin not you...” Natulala ako sa sinabi niya. Akala ko ay kasama na ako sa pagtanggap niya pero hindi pala.
Kapag nakalaya siya ay kukunin niya raw ang anak niya... Akala ko...akala ko ay magiging masaya na kami pero heto siya. Nagagawa pa rin niya akong pagtabuyan at nasasaktan ako sa mga katagang lumalabas mula sa bibig niya. Sa mga katagang iyon ay nadurog na ang puso ko.
“Archi...mahal kita...” sambit ko bago pa lamang siya makalabas at naiwan akong mag-isa. Sunod-sunod nang bumuhos ang mga luha ko at napahawak na lamang ako sa dibdib ko.
Nalukot ang bestida ko nang hawakan ko ito nang mahigpit dahil sa tindi ng kirot sa aking dibdib. Nahihirapan akong huminga. Napaupo ako nang wala sa oras at nagsisimula nang dumilim ang paligid. Nagiging malabo na ang paningin ko hanggang sa nawalan na nga ako nang malay.
Nagising ako na nasa puting kuwarto na. May dextrose na sa pulso ko. Si Zavein ang unang bumungad sa aking paningin at umiiyak na nga siya nang makitang gising na ako.
“Dalia...” Tulala lang ako noong una dahil naalala ko ang sinabi ni Archimedes. Ang hirap paniwalaan na mas gusto niya ang anak namin at kukunin niya rin kapag nakalaya siya.
Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay na wala sila sa piling ko. Parang ikamamatay ko yata. Mahal na mahal ko talaga siya.
“A-Ayaw niya sa ’kin... Ayaw niya... Ayaw niya... K-Kapag nakalaya siya... K-Kukunin niya ang baby namin... Hindi niya ako tanggap... Hindi niya ako matatanggap, Zavein... Hindi niya ako magagawang mahalin...” umiiyak na sumbong ko kay Zavein. Umupo siya sa gilid ng kama at niyakap ako. Umiyak lang ako sa balikat niya.
“B-Baka...hindi pa handa si Kuya... O kaya naman nabigla lang siya... Magbabago rin ang isip no’n,” sabi niya.
“M-Maayos naman kami noong una... Niyakap pa niya ako at hinalikan...pero nang... N-Nang sambitin ko ang boses ni Kalla ay bigla siyang nagbago... M-Mahal pa rin niya si Kalla... Zavein... A-Ang sakit sa dibdib...” Pinukpok ko ang dibdib ko kung saan ang puso ko na ramdam na ramdam ko ang kirot. Hinawakan niya ang pulso ko at pinigilan niya ako.
“Please... Maging matatag ka, Dalia... Pagsubok lang ito... Pagsubok lang niyo ni Kuya Archimedes... You can do this... Dalia... I knew you can do this, right?”
“A-Ayokong mawala siya, Zavein... A-Ayoko rin na mawalay ako sa baby namin... N-Natatakot na ako... N-Natatakot na ako baka magising na lamang ako isang umaga na w-wala na ang mag-ama ko... Zavein...” Nang mariin akong pumikit at nagmulat ay wala na akong makita. Dilim na naman ang nakikita ko. Dumagundong ang malakas na tambol sa dibdib ko at binalot na ako ng takot.
“Dalia? Dalia?!” Marahan niya akong niyuyugyog at kahit ilang beses akong pumikit ay sa pagbukas ng mga mata ko ay wala talaga akong nakikita.
Mariin akong humawak sa braso niya. “Z-Zavein... Zavein, b-bakit m-madilim? B-Bakit wala akong makita?” naiiyak na tanong ko at nagawa ko nang kinusot ang aking mata para lang bumalik ang liwanag pero nabigo ako. Nagsimula na ring nawala ang boses niya at doon ulit ako nahimatay.