Chapter 21: Years later “DALIA?” Si Engineer Markus ang tumatawag sa ’kin. Kasama niya ang asawa niyang si Theza. Nakangiti ito. “Bakit po?” tanong ko sa kanya at may ibinigay siya na isang kapirasong papel na kinuha ko naman. “Actually, puwede naman naming pakiusapan ang kaibigan namin para makalabas ng isang araw lang si Archimedes pero tumanggi na siya. Mas mabuting huwag na muna raw siyang magpakita pero nakausap namin siya over the phone at ang asawa ko ang nagsulat niyan. Pinapaabot niya lang,” mahabang sambit niya. Panibagong kirot na naman ang naramdaman ko sa aking dibdib. Ganito na lamang palagi si Archi. Sinasaktan niya ako ng hindi niya namamalayan. Ayaw niya talaga sa ’kin kaya hindi na siya dumating pa. Napabuntong-hininga na lamang ako. “Salamat po rito,” sambit ko. Na

