Epilogue SUMUKO na ako ayon din sa gusto ni Dalia. May takot man akong nararamdaman dahil baka ako lang ang mabibigo sa huli ay nagtiwala ako sa kaniya. Tiniis ko lang na huwag na siyang makita dahil nagpalipat ako ng kulungan. Nagawan ’yon ng paraan ni Engineer Markus at ngayon ay iniimbitahan niya akong pumunta para sa gender reveal. Pero tumanggi ako. “Puwede kitang ipagpaalam para makapunta ka,” sabi niya. “Hindi na kailangan. Mas mabuti pa ang hindi na ako magpapakita pa,” sagot ko na ikinabuntong-hininga niya. Kahit gusto kong makita si Dalia at ang malaking umbok ng tiyan niya ay nagmatigas pa rin ako. Ang importante sa akin ay malaman kong maayos naman ang kalagayan niya. “Your child is a girl, Valderama,” sabi niya nang tumawag siya sa akin para sabihin iyon. Walang pagsid

