I've never seen you being shaken by the continuous wind… ~ No No No, Apink xxxxxx [Mayu] BUSY ako sa pakikipag-text kay Neilson habang naroon ako sa veranda ng kuwarto ni Relaina. Ang lugar na iyon ang madalas kong pagtambayan kapag ganoong ayokong mag-stay sa bahay namin dahil wala rin lang tao roon. Even during weekends, laging busy sa business ang Mama’t Papa ko. Kaya doon na lang ako kina Tita Carina at Tito Arthur tumatambay. Okay na rin daw iyon para naman hindi lonely ang pinsan ko. And speaking of my ever dearest cousin, agad kong napansin ang para bang matamlay at wala sa sariling pagpasok nito sa kuwarto nito. I even frowned at the sight of it but it didn’t take me long to conclude one thing. Something must have happened… again. Sino na naman kaya ang salarin sa pagiging m

