If only I could tell you what I wish I could convey... ― If Only, Little Mermaid Musical xxxxxx [Brent] “NOW TELL me, sino ang nagmamay-ari ng boses sa nag-iisang voice mail na naka-save dito?” seryosong tanong ko kay Mayu. I even asked it in a tone that should leave her with no choice but to tell me the truth. Ewan ko lang kung effective iyon sa babaeng ‘to. May ilang sandali ring hindi umimik si Mayu pagkatapos kong itanong iyon. At sa totoo lang, nag-uumpisa nang mangawit ang braso ko sa paghawak ng cellphone na iyon dahil nakalapit pa rin iyon kay Mayu. Kung puwede lang sigawan ng babaeng ‘to, eh baka kanina ko pa ginawa iyon. Ano ba namang klaseng tao kasi iti? Huwag na nga itong magpairal ng suspense effect at baka masakal ko lang ito nang wala sa oras. “Hoy! Wala ka talagang

