No matter the distance that our hearts are feeling now, only the sky can shorten it for us… ~ Florence Joyce xxxxxx [Relaina] Hindi ko na talaga alam kung ano ang maiko-consider kong mas mahirap. Ang lapitan ang taong hindi ko kilala para makipagkilala o para magtanong ng mga bagay na posibleng pagmulan ng g**o. Hay… kung bakit ba naman kasi nauso pa ang curiosity, eh. Heto ako ngayon. At noong naghagis yata ang Diyos ng curiosity, malaking bahagi yata n’on ang nasalo ko. Urgh! Ano ba namang panggulo sa utak ‘to? Pero kung may dapat siguro akong sisihin dahil sa pag-iral ng curiosity ko sa mga sandaling iyon, iisang tao lang iyon. Did I have to say kung sino? Huwag na! Obvious naman, eh. So heto ako, naglalakad sa hallway patungong rooftop kung saan tiyak na naroon ang taong pakay k

