Yumi P.O.V
Hapon na ngayon, Ano ginagawa ko ngayon? Ito nakatunganga nag iisip kung anong gagawin ko mamaya. Ano kaya kung wag na akong pumunta magpadala nalang ako ng sulat kina nanay na patay na ako dahil hindi alo nakakain ng one week wews napaka panget. Napatingin ako sa cp kong di keypad ng tumunog ito. Kinuha ko ito at tiningnan may message at galing kay psychopath lancaster.
To:Psychopath
From:Ugly fashionista
Hey, You ugly. Someone will fetch you on the house later.
Sabi sa text, Bakit kasi kailangan pa akong kilalanin ng pinsan at kaibigan niya eh? Nakapa ano talaga ng lancaster nayun tas yung nanay niyang bruha na masakit magsalita ano akala niyo sakin hindi nasasaktan? Hindi ako bato no para hindi masaktan. May mabuti akong puso na madaling masaktan pusong mamon kaya ako. Kinuha ko yung card na ibinigay sakin ni knight sabi niya bumili daw ako ng pang ayos ko wala daw kasi akong pera. Diba kapal ng muka? magbibigay nalang manglalait pa pwede naman na ibigay nalang ng walang lait na sinasabi. I hate him!.
Pumunta na ako sa mall masasabi kong ring nakaagaw ako ng atensiyon dahil sa pustura ko ang ganda ko talaga insert sarcasm hutek sa sobrang ganda ko kulang nalang ipalamon yung muka ko sa mga asong ulol. lol! Pumasok na ako sa boutique ng mga dresses. Nag ikot ikot nalang ako sa boutique wala kasi akong mapili.
"Ms. Bibili kaba? Kung hindi umalis ka na nga ampanget mo!" Mataray na sabi sakin ng sales lady. Taena nitong babaeng to sarap ipakin lahat ng damit na nandito makapanglait kala mo kung sino! Mas masahol pa nga sa aso muka niya kesa sakin. Ni' hindi pa nga na ngangalahati kagandahan ko sakanya.
"Bibili ako mag antay ka!"Mataray ko ring sabi ano kala niya sakin siya lang marunong mag taray nek nek nila ni lancaster! Iniwan ko na siya don maghahanap muli ako. Lumingon ako sa likod ko and i saw a beautiful dress, color black na off shoulder at fitted agaran ko itong kinuha, Pumunata ako cashier at binayaran ang kinuha ko. Humanda ka lancaster.
___
Nakatitig ako ngayon sa malaking salamin na nasa harapan ko. Ang ganda ko talaga naka light make up ako, Ang mahaba kong buhok na light brown kinulot ko sa dulo yung dress kanina above the knee siya at fit na fit sakin na color black bagay sa maputi kong balat ito secret ko maputi ako at maganda ako pag nag ayos ako minsan narin ako sumali sa pageant para sa pamilya ko pag wala kaming makain. Natigil ako sa pagtitig ng may bumusina sa labas, Tumayo na ako at lumabas nakita ko doon ang mga men in black.
"Shall we go Ma'am?" Tanong ng isa. Tumango nalang ako sa sinabi niya pumasok na ako sa sasakyan. Humanda ka talaga lancaster ipapakita ko sayo na iba ang nilalait mo.
Nakarating kami sa mansiyon nila, Pangalawang beses ko ng punta dito hindi ko parin talaga mapigilan mamangha tuwing pupunta ako dito. Ang saya ng family nila actually halos perfect na sila yung ugali lang talaga eh. Naalala ko tuloy ina ko na ibininta ako sa bilyonaryong mga tao na ito. Natatakot tuloy ako makisalamuha sakanila napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa mansiyon. Pagpasok ko sa loob halos mapangaga ako sa nadatnan ko ang gwapo talaga ng mga lahi nila. Sana pagnagkaanak ako ganyan din kagaganda ang ggwapo nila at ang gaganda.
"Hi! So you're yumi, Axel wife?"Tanong ng blonde ang buhok ang gwapo niya.Tumango nalang ako sa sinabi niya.
"I'm Eros Lancaster, Axel cousin."Nakangiti niyang sabi. Ang ganda ng ngiti niya lalo na ang lalim ng dimple niya ang cutee niya.
"I'm Sean Lancaster, Axel cousin your so gorgeous." Nakangiting sabi ng red na buhok na nagngangalang sean.
"I'm Dexter Lancaster beautiful lady."Sabi ng lalaki na black ang buhok nag smirk pa siya sakin. Muka siyang playboy. Isa isa silang nagpakilala sakin lahat ang dami nila kulang nalang kumuha ako ng ballpen at papel para ilista pangalan nila at kakabisaduhin ko ang dami eh.
"Alam mo ang ganda ganda mo."Sabi ni Carlo kaibigan ni lancaster. Kanina pato eh paulit ulit na nagsasabing maganda ako eh alam ko naman na maganda ako di na kailangan sabihin.
"Hindi naman."Masamang magsinungaling pero alangan naman sabihin ko na oo ang ganda ko talag syempre kailangan humble lang tayo.
"Muka kang tang Carlo, Paulit ulit mo nalang yan sinasabi dba Yu?"Sabi niya sabay baling ng tingin sakin. Siya si Deven yu ang tawag sakin nickname niya daw. Tanging tango nalang din ang sinabi ko sakanya actually kanina pa ako naboboring dito naasar na ako.
"Hey wife."Napatingin ako sa tumawag sakin. Kunot noo ko naman siyang tiningnan 'wife' kapal ng muka niya!kumindat naman iya sakin at kinabig ako palapit sakanya. Taena mo psychopath kapal mong mag sabi ng wife jan! Para sabihin ko sayo may deal tayo oh no ka ngayon? pero syempre sa isip ko lang yan nakakahiya sa mga kaibigan niya. by the way yung mga pinsan niyang lancaster boys ayun nag iinoman yung nanay niya namang bruha wala dito dahil nasa business trip ito buti naman at walang manlalait sakin.
"Bro your wife is gorgeous, I like her."Sabi ni Steven isa sa mga kaibigan niya masasabi ko sakanya siya yung seryoso sakanila bukod kay lancaster. Napaiktad naman ako sa higpit ng hawak niya sa bewang ko putakte ka lancaster pag ako nagkapasa ipapahabol kita sa aso!.
"Yeah, Me too. Muka siyang anghel ang bait."Sabi ni carlo. Naku kung alam niyo lang ugali ko tingnan natin sabihan niyo akong anghel.
"I'm also interested."Sabat ni denver. Hutek! Pulang pula na siguro muka ko sa mga sinasabi nila ito namang katabi ko ramdam ko ang pagbago ng aura.
"She's mine now, Better Back off bastards."Malamig at matigas na sabi ni lancaster bago ako hinila paalis don. Tangina niya sino siya para manghila ng dyosang tulad ko? Oh siya pala si axel knight na bilyonaryo na bumili sakin.
"Hoy psychopath bitawan mo nga ako baka nakakalimutan mo we have a deal?" Naiinis kong sabi habang pinipilit na tanggalin pagkakahawak sa kamay ko. Feel ko namumula na iyon dahil sa higpit ng hawak niya huminto siya sa paglalakad muntik na akong matalisod dahil sa paghinto niya. Nasa parking area pala kami.
"Why are you with them?" Naiinis niyang sabi habang ginugulo ang buhok niya. Ang hot niya sa ginagawa niya pero inis parin ako tsaka anong sinasabi niya them?.
"Hoy psychopath ano ba pinagsasabi mo huh?"Inis kong sabi habang hinihimas pulsuhsn ko. Napahilamos naman siya ng muka niya at inis na tumingin sakin. Bipolar siya pabago bago mood ipapadala ko talaga siya north pole!
"Dammit! They like you stupid ugly creature."
"Oh ano naman sayo?Nakakapanibago ka lam mo?."Inis ko ring sabi. Kala niya siya lang marunong mainis kung alam niya lang inis na inis na ako!
"I bought you, You're mine so don't talk to them!" Sa sobrang inis ko nasampal ko siya. Gulat ang rumehistro sa muka niya hindi niya kailangan ipamuka muli sakin na binili niya ako.
"I know you bought me hindi mo kailangan ipamuka sakin. Oo pag mamay ari mo ako pero sarili ko rin to." Ani ko kasabay ang pagtulo ng luha ko. Echoss lang yan noh tingnan natin ano gagawin niya hahs. Galing mo talaga yumi.
"I'm sorry."Nakayuko niyang sabi. Sus si lancaster nagsorry dapat may vedio manlang ako.
"Okay."Sabi ko napatingin naman siya sakin at hinawakan ako sa pisngi kaya nabiga ako. Damn! Ngayon ko lang na realize ang rupok ko sa part nato.
"You're mine Yumi."Nakangisi niyang sabi gulat ang naramdaman ko nang maglapat ang labi namin. Taena niya umaarte lang din pala siya taena mo you psychopath boy.