“ANO ‘yan?” nangiti siya nang makilala ang boses na nanggaling mula sa kaniyang likuran. She immediately stood up and face the owner of the young voice. “Gideon!” mahahalata sa tono ng kaniyang boses ang pananabik sa matalik na kaibigan. Walang segundong pinalipas ang batang lalaking tinawag niyang Gideon, agad nitong inukupa ang maliit na espasyo sa kanilang pagitan at mahigpit siyang ikinulong sa maliliit nitong mga braso. Ang bata’t mura nilang pag-iisip ay mainit na sinalubong ang isa’t isa.
Nang sa wakas ay kumawala sa mga yakap, nilingon ng batang Gideon ang kamay niyang may hawak na ibong origami. “marunong ka na!” natutuwang anito at kinuha ang kamay niya, minasdan ang kaniyang mumunting obra. Ginulo nito ang buhok niyang agad na ikinalaho ng mga ngiti sa labi niya. “kailangan mo bang gawin ‘yon?!” nagpapadyak siya sa inis at inayos-ayos ang malambot niyang buhok. Pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang ginugulo ang buhok niya, samantalang ito ang paboritong gawin ng kaibigang lalaki. “halika, maupo ka at may ipapakita ako” pag-iiba ni Gideon sa usapan. Kilala siya nito, mabilis mawala ang inis niya tuwing may mga magagandang bagay na ipinapakita ito sa kaniya.
Naupo sila sa anino ng mataas na puno ng mangga. “marami ka na naman sigurong naiwuing laruan galing sa maynila, bigatin ka na talaga” siniko niya ang kaibigan at sabay silang tumawa. “hindi naman, konti lang.” tugon nito na ikinangiwi niya “kahambugan mo talaga, kunwari ka pa” Gideon replied her with a laugh. May dinukot ito sa malalim niyang bulsa.
“WOW! cassette tape ‘yan, di ba?” aniya at inagaw sa kaibigan ang cassette tape. “mag-record tayo diyan” ani Gideon na ikinatuwa naman niya. “akina, ituturo ko kung paano gamitin” inabot naman niya ito pabalik at matiim na sinundan ang ginawa ng kaibigan. “yan! anong irerecord natin?” iniangat naman niya ang ulo sa mga dahong sumisilim sa kanila, nag-iisip na animo’y nasa bungang mangga ang sagot. “ah! rule”
“ha?” nagtatakang tanong ni Gideon. “pangakong hindi tayo magkakagusto sa isa’t isa, batas ‘to, at ang lalabag, may parusa” nakangiting aniya. “asa ka namang magustuhan kita, kita mo nga yang mukha mo, ang dungis” alaska ni Gideon. Hindi gaya ng mga nakagawian, tinawanan niya ang pang-aasar na ito. “andaming sinasabi, i-record na natin” iginit na niya ang cassette tape na nagsisilbing korte ngayon at sila’y nanunumpa. “teka muna, anong parusa?” napaisip naman siya pero agad din niyang iwinasiwas ang libreng kamay. “saka na natin ‘yon isipin, hindi ka naman magkakagusto sakin ‘di ba? at mas lalo naman ako sayo ‘no!” Walang halong pag-aalinlangan at buo ang loob na ini-record nga nila ito.