Chapter 47

1174 Words

NAALIMPUNGATAN si Solana nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng telepono. At sa halip naman na sagutin iyon ay hinayaan lang niya iyon sa pagtunog. Ayaw kasi niyang gumalaw dahil masakit pa din ang puson niya. Kapag gagalaw lang siya ng konti ay sisiklab ang panibagong sakit. At alam naman niya kung sino ang tumatawag sa kanya, alam niyang si Eva iyon. At nang sandaling iyin ay ayaw niya itong makausap dahil alam niyang papupuntahin siya nito sa kwarto nito para utusan. Kaya minabuti na lang niyang huwag sagutin ang tawag nito. Pero mayamaya ay nagmulat si Solana ng mga mata nang marinig niya ang boses ni Nicolai. "It's me, Nicolai." Napatingin siya sa gilid at napaawang ang labi niya nang makita niya ito sa gilid niya. At nakita niyang nakadikit sa tainga nito ang telepono.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD