NAPASULYAP si Solana sa gawi ng pinto nang makarinig siya nang mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng kwarto niya. Hindi nga don niya napigilan ang mapakunot ng noo ng sandaling iyon. Iyon kasi ang unang pagkakataon na may kumatok sa pinto ng kwarto niya, eh, dati-rati naman ay bigla na lang iyong bumubukas. Naisip naman ni Solana na baka hindi si Nicolai iyon, eh, hindi naman ito marunong kumatok. Para nga itong aso na bigla na lang pumapasok ng kwarto na hindi nagpaalam, lumalabas din na hindi nagpapaalam. Tumayo naman si Solana mula sa pagkakaupo niya sa gilid nang kama at saka siya humakbang palapit sa pinto para pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Pagkabukas ay bumungad sa kanyang mga mata ang mukha ng kanang kamay ni Nicolai. At kung hindi siya nagkakamali ay Ang

