AYAW lumabas ni Solana ng kwarto dahil ayaw niyang makita si Eva. Medyo nakakatakot kasi siya dahil sa banta nito. At alam niyang hindi lang siya nito tinatakot dahil alam niyang gagawin nito ang banta nito sa kanya. At malakas ang loob nitong saktan siya dahil alam nitong wala si Nicolai do'n. Hindi kasi nito ipapakita ang totoo nitong ugali kapag naroon si Nicolai. At kung noon ay gusto niyang umalis si Nicolai, gusto niyang hindi ito magpakita sa kanya dahil pakiramdam niya ay tahimik ang buhay niya kapag wala ito ay ngayon naman ay hiniling ni Solana na na sana ay nasa tabi niya ito, na bumalik na ito dahil kahit na ito ang nagdala sa kanya doon ay pakiramdam niya ay safe siya, na walang mangyayaring masama sa kanya kapag nasa tabi niya ang lalaki. At pakiramdam niya ay kahit na nasa

