Klent Pov.
Pagpasok ko sa classroom lahat ng mga classmate ko ay nagkakagulo sa loob. May nakita akong bulaklak saka chocolate na nakalagay sa ibabaw ng table ko.
" Klent mabuti naman na nandito kana kanino galing yan?" Sabay sabay nilang tanong.
Isang kibit balikat lang ang naging tugon ko. Kahit na ako hindi alam kung sino ang naglagay niyan dito.
" Wow kanino galing yan?" Tanong ni Venice bago hinablot ang hawak kong bulaklak.
" Mayroon kang manliligaw? I envy you sana mayroon din akong manliligaw" usal ni Mike na nakaakbay sa akin
" Give up mas cute at attractive si Klent kumpara sayo kaya huwag ka ng umasa"
" That's too harsh" singgit ni Janella kadarating lang din nila
" Klent for you" nagulat ako ng makita ang iniabot ni Glen
Isang cafe na galing pa sa kabilang bayan at ito ang pinakapaborito ko sa lahat.
" Huwag mong sabihin na nanliligaw ka rin sa kanya?" Tumawa lang ito matapos marinig ang tanong ni Venice.
" Thank you Glen"
"Anong mas nagustuhan mo yang bulaklak at chocolate o yung ibinigay ko sayo?"
" Ofcourse ang ibinigay mo sa akin" bigla niya nalang ginulo ang buhok ko.
" I see I'm glad na nagustuhan mo" matapos niyang sabihin yun naglakad na siya papunta sa kanyang upuan.
" Today he is acting weird" bulong ko bago umupo
LUNCHTIME
"Do you like my gifts?" Tanong ni Antik na kasalukuyang nakatayo sa harap ko.
" You mean the flowers and chocolates?"
" Yes do you like it?"
" Okay lang naman" tugon ko kaya siya sumimangot
" Can you give me accurate response'
" Bakit mo ba ako binigyan ng bulaklak at chocolates anong bang mayroon?"
" Forget it" tugon niya bago tumalikod
Nang makaalis siya hinila ni Janella ang damit ko
" Klent nanliligaw ba siya sayo?" Muntik ko ng maibuga ang pagkain na sa bibig ko.
" Anong klasseng tanong yan?"
" Tingin ko he is hitting on you" singgit ni Venice
" That's impossible he just missing with me" iling iling kong tugon.
" Kapag nanligaw ba siya sayo sasagutin mo ba siya?" Tanong ni Mike habang nakangiti ng nakakaluko.
" Ofcourse not" walang pag alinlangan kong tugon
" Sigurado ka ba diyan?"
" Oo naman hindi pa yun pumapasok sa utak ko"
" So are you open for same s*x relationship?"
" Hmm..love is lover, gender doesn't matter for me as long as we click"
" That's my man" proud na proud na sabi ni Venice
" Well kahit sino pa yan we will support you" usal ni Janella
" Anyways kamusta nga pala kayo ni Jacob?"
" We're good"
" Kayo na ba?" Bigla nalang siya nagblush sa tanong ko
" We're friends"pero bigla yun napalitan ng lungkot
Maybe she wanted to be more than that. Iniba naman ni Venice ang usapan kaya napawi ang kalungkutan sa mukha niya.
After class
Habang naglalakad kami sa hallway ng school nakasalubong namin ang S4. Agad naman akong hinila ni Glen at itinago sa likuran niya.
" Klent let's talk" usal ni Antik
" Tungkol saan ang pag uusapan niyo?" Tanong naman ni Glen.
" Hindi ikaw ang kinakausap ko" sigaw nito
" Sandali ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa" nasa isip ko.
" Anong kailangan mo?"
" Dinner with me"
" Yun lang kung makasigaw akala ko kung ano na"
" Klent nakalimutan mo ba may pupuntahan tayo ngayon" bigla ko nalang naalala na nangako ako sa kanya na samahan siya para ihanda ang welcome home party para sa kanyang Grandmother.
" Antik I'm sorry hindi ako makakasama sayo sa susunod nalang"
" It's fine but bring Spade and Thunder with you"
" Hindi na kailangan wala namang masamang mangyayari sa kanya"
" Tama si Glen isa pa ayaw kong makaabala kina Spade at Thunder"
" Huwag mong isipin yun Klent masaya kaming masiguradong ligtas ka" tugon naman ni Spade
" Thank you pero pwede bang huwag niyo muna akong ihatid nandito naman si Glen"
" Fine call me or text me kapag nakauwi kana"
" Okay I will"
Nang makalabas kami ng school doon na kami naghiwa hiwalay. Kinuha ni Glen ang isang helmet at binigay sa akin.
"Sorry magmomotor lang tayo pauwi ng bahay"
" Ayos lang sa akin"
" Sino nga pala ang susunod sa Lola mo sa hospital?"
" My older brother tapos ako ang nakatuka sa paghahanda ng welcome home surprise"
" Alright let's go"
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Agad naming inihanda ang mga kinakailangan sa surprise na magaganap.
Fastforwad
Nang marinig namin ang sasakyan na huminto sa labas agad na pinatay ni Glen ang ilaw sa loob ng bahay. Tahimik lang kami hangang sa bumukas ang pinto kasabay noon ang pagbukas ulit ng ilaw.
" Surprise" sigaw namin hawak ni Glen ang isang cake, pumasok ang dalawang tao sa loob isang matandang babae at isang binata.
Mabilis na lumapit si Glen sa kanila at niyakap ang matandang babae. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Ayos na sana lahat ng bigla nalang ulit sumakit ang ulo ko kasabay nang pagbabalik ng mga bagay na nagsisilbing hallucination ko. May nakikita akong mga dugo na nakakalat sa sahig, pagkatapos sunod sunod na putok ng baril ang umalingaw ngaw sa buong paligid kasabay ng malakas na sigaw, mayroon din akong narinig na batang umiiyak.
" Klent are you okay?" Narinig ko ang boses ni Glen pero sobrang hina ng boses niya.
" Can you get my medicine nakalagay yun sa bag ko" hindi na ako makahinga ng maayos gusto kong kumawala sa hallucination na mga nakikita o naririnig ko.
" Klent" may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Agad kong ininom ang gamot na ibinigay niya.
" Uminom ka ng tubig"
" Maraming salamat kailangan ko lang ng kunting pahinga" mahina kong sabi bago nawalan ng malay.
Samtung minuto pagkatapos umepekto ng gamot nagising ulit ako. Nakita ko silang tatlo na nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin.
" I'm sorry I ruined the surprise"
" Klent are you okay?" Nag aalalang tanong ni Glen
" Iho ayos ka lang ba?"
" Opo can I call you Grandma?"
" Oo naman masaya akong makilala ang kaibigan ng Apo ko"
" Hi I'm Joseph kapatid ni Glen"
" Hello I'm Klent masaya akong makilala kayo. Pasensiya na ulit napag alala ko pa kayo"
" Don't say that"
" Ayos ka lang ba?"
" Opo Grandma"
" Hali na kayo kumain na tayo"
8:00 pm
" Maraming salamat po sa masarap na pagkain"
" Klent maraming salamat sa pagiging kaibigan ni Glen sa totoo lang hindi ko akalain na makahanap siya ng kaibigan"
" Po? Bakit naman?" Isang malalim na buntong hininga ang sunod niyang pinakawalan.
" Ayaw niyang nakikipagsalamuha sa iba kaya----
" Grandma you should rest now"
" Glen ako na ang bahala dito ihatid mo nalang si Klent"
" O siya Klent bumalik ka dito para makapag usap tayo ulit"
"Opo goodnight po"
Nang makapasok sila sa loob hinatid na rin ako ni Glen pauwi ng bahay. Nadatnan ko si Manang Fe na nanonood ng TV sa sala.
" Young Master good evening" bati nito sa akin
" Manang nandito na ba sina Ate Moon at Kuya Blaze?"
" Young Master wala po sila ngayon pero ipinagbibilin ni Miss Moon na huwag mo na kayong pumasok sa school simula bukas" saad niya na medyo ikinagulat ko.
" Manang may nangyari ba?"
" Hindi ko po alam pero sabi niya sabihin ko po yun sa inyo"
Mula sa sala ng bahay inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid. Ngayon ko lang napansin na mas marami ang nagbabantay sa bahay kumpara ng mga nakaraan. Hindi ko man sila nakikita I can sense those presence.
" Maraming salamat Manang magpapahinga lang ako sa taas"
" Young Master hindi ba kakain ng dinner?"
" Busog ako maraming salamat nalang"
Nagpadala ako ng text message kina Janella at Venice na hindi ako makakapasok bukas. Hindi na ako nagtatanong kung ano ang dahilan ni Ate Moon alam ko namang hindi niya sasagutin ang mga tanong ko. Ang palagi niya lang sinasabi sa akin, malalaman ko rin sa tamang oras.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto hinubad ko ang suot na school uniform at nagbihis ng pambahay na damit.
Kring....kring
Dinampot ko ang phone at sinagot ang tawag
" Hello Ate Moon"
" Klent dont forget to drink your medicine nasa taas ng maliit na table nakalagay" agad ko naman nakita ang tinutukoy niya.
" Uminom na ako kanina"
" Naulit na naman ba? Ilang beses sa isang buwan?"
" Ngayon lang"
" I see inumin mo ang gamot na ibinilin ko just to make sure na hindi ka ulit babalik ang mga hallucination mo"
Mula sa kabilang linya narinig ko ang mga ingay para bang mayroong gulo sa kinaroroonan niya.
" Hmm.. ayos ka lang ba Ate Moon? Kailan kayo babalik ni Kuya Blaze?"
" Hindi ko masasabi kung kailan marami pa akong dapat asikasuhin" agad na naputol ang tawag pero bago yun I heard someone screaming begging for help.
For some reason bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Agad kong kinuha ang gamot at uminom ng maraming tubig. Pero hindi parin nawawala sa isip ko ang narinig kong sigaw kanina na dahilan kung bakit pakiramdam ko mas lalo akong nauuhaw. I can't explain my felling right now minsan kahit ako hindi alam kung bakit ako nakakaramdam ng mga kakaibang bagay.
Humiga ako sa kama ng makaramdam ako ng antok.
Zzzz
FASTFORWARD
" Young Master... Young Master" unti unti kong minulat ang aking mga mata ng marinig ang boses ni Manang Fee.
" Manang anong oras na ba?" Tanong ko bago bumangon sa kama.
" 10:00 pm po ng gabi, Young Master"
" You mean natulog ako ng isang araw?"
" You are sleeping for almost 2 days, Young Master"
Hindi na ako nagulat na nangyari ulit yun. Bigla akong napatingin sa kamay ko. I can smeel a blood coming from my hands again. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. I felt very refresh and recharged. What the hell is happening to me?
" Young Master huwag ka ng masyadong mag isip mas mabuti pang bumaba na kayo nakahanda na ang pagkain sa kusina" sinunod ko naman ang sinabi niya Pagbaba ko napangiti ako ng makita si Ate Moon at Kuya Blaze.
" Gising kana pala halika ka dito"
" I miss you Ate Moon" usal ko bago siya niyakap
" How about me?" Tanong ni Kuya Blaze habang nakaturo sa sarili niya.
" I'm sorry pero hindi kita na miss"
" Ahh!! I see sayang naman may ibibigay pa sana akong regalo para sayo"
" What is it?" Nagtinginan lang sila ni Ate Moon habang ako excited na malaman kung ano ang kanilang surprisa.
" Nevermind hindi mo naman ako na kiss kaya I change my mind"
" I'm sorry, I miss you kuya Blaze" usal ko bago siya niyakap ng mahigpit.
" Okay dahil diyan we have something for you" may inilabas siyang susi sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin.
" Para saan to?" Taka kong tanong
" Do you want to have your own condo?"
" Own condo? Why?"
" Medyo malayo kasi ang bahay natin sa school na pinapasukan mo kaya we decided to buy a condo malapit sa school para hindi kana mahirapan pa"
" Thank you so much"
Sobrang nagustuhan ko ang ibinigay nilang regalo pero hindi rin mawala sa isip ko kung ano ang tumulak sa kanila para gawin to. Ang alam ko kasi hindi sila mapakali kapag nasa malayo ako. They always protected me especially si Ate Moon naaalala ko pa dati kapag nawala lang ako ng ilang segundo sa paningin niya she became paranoid and I can see those fears sa mukha niya. Pero ngayon for the first time gusto niya akong magkaroon ng condo na malayo sa kanya.
I hope this is a new start para sa aming lahat.
Kinabukasan
" Klent I miss you" bungad ni Janella tumatakbo siya sa hallway ng school papalapit sa akin.
" Jhad dahan dahan baka madapa ka" saway ni Jacob sa kanya. Napangiti ako ng makita silang magkasama.
Isang yakap ang sinalubong niya sa akin.
" Miss ko rin kayo" tugon ko sa kanya
" Ahem!!" Nang bumitaw si Janella sa pagkakayap sa akin agad akong lumingon ng marinig ang pamilyar na boses.
" Antik"
" Anong oras ang klase mo ngayon?" Kalmado niyang tanong
" 9:30" tugon ko agad niyang hinawakan ang kamay ko
" Samahan mo akong kumain sa canteen" saad niya bago ako hinila ako paalis.
Hindi naman ako nagreklamo pa habang naglalakad kami mayroon akong isang bagay na napansin sa kanya. Medyo maaliwalas ang kanyang mukha hindi gaya ng dati na sa unang tingin palang matatakot kana the way he look at you using a cold gaze pero ngayon pakiramdam ko mayroong nag iba.
" Ganyan kaba ka inlove sa akin para titigan ng ganyan ang mukha ko" saad niya na may pang aasar.
Aura ng mukha niya lang ang nagbago. Now he started to messing with me again.
" I like your vibes today you seems approachable and you look more handsome"
" Say it again"
" I won't"
" Say it again"
" I won't"
Napatulala ako ng makita ang ngiti niya. Those smile so warm like a milk and I like it.