Venice Pov.
" Yes baby let's meet in school I love you"
" Jasper sinong kausap mo?"
Dali dali akong lumapit at kinuha ang laptop na nasa harap niya. Bago matapos ang video call nakita ko ang mukha ng batang babae na kausap niya.
" Sino yun answer me?"
" My girlfriend" walang pag alinlangan niyang tugon
" What?"
" Bakit mali bang magkaroon ng girlfriend sa murang edad"
He is my younger brother at 14 years old palang siya
" Aww ang sakit" reklamo niya ng kinurot ko siya sa pisngi
" Ang bata bata mo pa para magkaroon ng girlfriend"
" Ate nasa year 2022 na tayo at uso ngayon ang magkaroon ng girlfriend"
Abat saan ba nagmana ang batang to
" Anong nangyari dito?"
" Mom itong anak niyo mayroon ng girlfriend" pagsusumbong ko
" Talaga sino ba yun maganda ba?" Tanong ni Mommy mukhang natutuwa pa siya sa kanyang nalaman.
" Ofcourse Mom magkasing ganda kayo" sagot ni Jasper sabay kindat.
" Natutuwa ako para sayo dalhin mo siya dito para makilala namin ng Daddy mo"
Napapoker face lang ako habang nakikinig sa kanila
" Oh Venice kailan kaba magkakaboyfriend?" Tanong ni Mommy.
" Bakit sa akin napunta ang usapan dapat pinagsasabihan niyo yan si Jasper masyado pa siyang bata"
Tumayo siya at hinipo hipo ang likod ni Mommy
" Mom huwag na kayong umasa na magkakaboyfriend si Ate tatanda siyang dalaga" sabi niya na may halong pang-aaar.
" Hoy ikaw bata ka huwag mo akong ginaganyan"
" Jasper huwag mong tutuksuhin ng ganyan ang Ate mo hindi naman ako umaasa na magkakaboyfriend siya"
" Arrgh" makalayas na nga"
Naglakad so palabas ng bahay nakasalubong ko si Daddy na galing sa garden area.
" Anak tapos kana bang kumain ng almusal?"
I kiss him on cheeks
" Bye Dad nawalan akong ganang kumain" tugon ko bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang garage.
Sun University
" Girl bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Janella nagkasabay kaming dumating sa school.
" Wala"
" Hmmm.. huwag kang sumimangot baka pumangit ka"
" Nakakainis lang kasi pinipressure nila ako magkaroon ng boyfriend"
" Hmm.. totoo ba na ayaw mo sa mga lalaki at gusto mo ng babae tama ba?"
" Hahaha"
This girl has a sense of humor
" I'm not sure hindi pa ako naiinlove"
" Hello girls good morning"
Dalawang familiar na mukha ang bigla nalang humarang sa harap namin .
" You are Ms. Venice right?" Tanong ng isa sa pagkakaalala ko parte sila ng S4.
" Yes I am may kailangan ba kayong dalawa?"
" Can I have you're number?"
" I'm sorry pero hindi ko pinamimigay ang number ko sa kahit sino excuse us" hinatak ko si Janella paaalis
Nakarating kami sa classroom ng matiwasay kanina ko pa napapansin na tahimik lang siya.
" Si Jacob ba ang iniisip mo?" Tanong ko
Tumango naman siya saka umupo sa upuan
" Huwag kang mag alala magiging maayos din ang lahat"
" Sana nga" malungkot niyang sabi
" Hi goodmorning" bati ni Klent
" Goodmorning"
" Na saan si Mike at bakit ganyan ang mukha ni Janella?"
" I'm here"
Napalingon kami ng marinig ang boses ni Mike
" Goodmorning"
" Dumaan kaba sa bahay?"
" Oo pero nakaalis kana"
" Sorry nakalimutan kong itext ka"
Lunchtime
" Anong gagawin niyo this weekend?" Tanong ni Janella
" Sa bahay lang" tugon ko
" Manonood ng movie" sabi ni Mike
Napatingin kami kay Klent kanina pa siya tahimik nakatuon lang ang kanyang attensiyon sa hawak niyang cellphone. Ngumuso si Janella sa amin ni Mike tumango naman ako at sabay sabay naming sinilip kung sino ang ka text niya.
" Walang hiya talaga ang Antik nato" inis niyang saad
Hindi niya man lang napansin na nakasilip kami sa phone niya.
" Sino ang tinatawag mong walang hiya?"
Isang pamilyar na boses ang narinig namin sa likuran.
" Guys anong tinitingnan niyo?"
"Hoy pansinin mo ako kinakausap kita" singgit ni Nathan
Bumalik kami sa inuupuan namin hindi ko akalain na ang hari ng school ang katext niya. Nagtataka tuloy ako kung paano silang dalawa naging close.
" Hi Venice nagkita ulit tayo" bati ni Kevin
" What a small world" nakangiti kong sabi honestly hindi ako komportably kapag malapit sila.
" Hoy Antik doon kayo umupo sa kabila" singhal ni Klent
" Pagmamay ari ko ang school nato kaya may karapatan akong umupo kahit saan" sagot naman ni Nathan.
" Okay e di kami ang aalis"
Tumayo si Klent at kinuha ang kanyang bag
" Sandali umupo ka"
Bigla nalang tumindig ang balahibo ko matapos marinig ang malamig niyang boses. I can sense the intensity on his voice. Kinuha ni Klent ang kamay ni Nathan ba nakahawak sa braso niya bago umupo pabalik. Umupo si Nathan sa tabi niya , si Jacob at Kevin naman umupo sa tabi ni Janella habang si Jason umupo sa tabi ko.
" Miss Venice may gusto kabang ibang kainin?" Tanong ni Kevin.
" Wala naman ayos na ako dito"
" Darling I want ice cream" paglalambing ni Jacob
" Go and buy you're own" tugon nito
" Venice nakita mo naman na masungit siya kaya dapat lumayo ka sa kanya. I can be you're Romeo and let's drank a wine of love together"
Nagsukatan sila ng tingin hindi ko naman sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.
" Bakit hindi ka kumakain?" Pasigaw na tanong ni Nathan
" Sino ba naman ang ganahang kumain kapag nakita yang mukha mo" pasigaw ding tugon ni Klent
" Abat sumusobra kana talaga"
" Ikaw ang may kasalanan nito"
"Nasa harap kayo ng pagkain pwede tumigil muna kayo sa pag aaway" saway ni Jason
" Tssk you're to much to handle" iling iling na usal ni Nathan
" Anong sabi mo?"
." Klent enough" nagsalita na din si Mike na kanina pa tahimik.
" I'm sorry"
" Hindi ko alam na marunong ka palang humingi ng sorry"
" Naman pero sa taong di katulad mo"
Namumula na ang pisngi ni Nathan dahil sa inis halatang nagpipigil siya sa galit. Si Klent naman tumahimik na din habang kumakain. Pagkalipas ng sampung minuo tumunog ang bell.
" Guys are you done?" Tanong ko
Tapos na silang kumain maliban kay Klent
" Lets go"
" Finish you're food" sabi ni Nathan
" Huh!! pero malalate kami"
" I am the owner of this school"
" So ibig sabihin pwede mo ng gawin ang mga gusto mo"
Nagsimula ulit silang magtalo
" Jason call Mr. Angeles sabihin mong malalate si Klent ngayon"
" Right away"
" Kayo naman pwede na kayong umalis"
" Sand----
" Eat"
" Take you're time Klent nasabihan ko na si Prof Jake" sabi ni Jason na kakatapos lang kausapin ang English teacher namin.
" Klent mauna na kami" sabi ni Mike bago kami hinila ni Janella paalis.
" Ako lang bang kinakabahan kapag nasa paligid sila?" Tanong ni Mike.
" Dont worry Mike hindi ka nag-iisa lalong lalo na tumabi sa akin si Jacob kanina" pagsang- ayon ni Janella.
" Mukhang kailangan nating sanayin ang sarili natin na makasama sila" usal ko
"Oo nga ako lang ba o nakikita niyo na parang boyfriend siya ni Klent kung makaasta" sabi ni Mike
" Ohh give me a break" iling iling na usal ni Janella
Pagdating namin sa classroom buti nalang wala pa si Prof nasa kalagitnaan kami ng discussion ng dumating si Klent kasama ang S4.
" Good afternoon Mr. Alvarez" bati ni Prof kay Nathan
Hindi siya sumagot hila hila niya ang kamay ni Klent papunta sa upuan nito.
" Make sure you pay attention to Prof Angeles pupuntahan kita mamaya after class" sabi nito bago naglakad palabas
Lahat kami nakatingin lang sa kanila even si Prof hindi sila pinagalitan dahil sa pag- eeksena sa gitna ng discussion.
" Okay lets continue"
" That man wala talaga siyang manners" bulong ni Klent pero rinig na rinig namin.
" Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Janella na nakaupo sa tabi niya.
Tulungan niyo akong takasan ang Antik na yun" pakiusap niya.
" Mayroon akong alam na daan para hindi ka niya makikita" bulong ni Mike.
" Alam niya ba kung saan ka nakatira?" "Tanong ko
" Haysst"
Basi sa kanyang reaksiyon alam ko na ang sagot sa tanong ko.
" Gusto mo ba sa amin muna matulog?" Alok ko sa kanya
" Oo naman kung ayos lang sa mga magulang mo"
" Huwag kang mag alala papayag ang mga yun" nakangiti kong sabi.
" Okay sasabihan ko lang si Ate Moon thank you Venice"
" You're welcome"
Tumahimik na kami pagkatapos mag-usap
4:00 pm
" Bilisan niyo" sigaw ni Mike
Kanina pa ako hinihingal dahul sa paglalakad
" Venice ayos ka lang ba?" Tanong ni Janella
" I'm fine pero pagod na ako"
" Mike akala ko ba convienient na daan to " pati si Klent pagod na din.
" Mamili ka dadaan tayo dito o kukulitin ka ni Nathan"
" Ayaw ko pareho"
" Siya nga pala paano ang sasakyan natin na naiwan sa parking lot ng school?" Janella
" Tinawagan ko na si Mang Ben siya na ang kukuha ng sasakyan"
" Guys I'm sorry pati kayo nadadamay" Klent
" Huwag mong isipin yun"
" Malapit na tayo" sabi ni Mike na ikinatuwa namin
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang main road
" Janella sumabay kana sa akin ihahatid kita, Venice ikaw na ang bahala kay Klent" Mike
" Okay parating narin ang sundo namin"
" Mag ingat kayo mauna na kami" paaalam ni Janella
Una silang umalis pagkalipas ng ilang minuto dumating na din ang sundo namin. Nakaupo sa backseat si Jasper na tuwang tuwa ng makita si Klent akala niya siguro boyfriend ko siya. Pagdating namin ng bahay sinalubong kami ni Mommy at Daddy kitang kita sa mga mukha nila ang kakaibang ngiti ng makita si Klent.
"Finally you--------
" He is my friend and not my boyfriend"
" Doon din---
Bago pa man matapos ni Mommy ang mga sasabihin niya inunahan ko na siya.
" Hinding hindi magiging kami"
" Sayang" sabi ni Mommy na may halong panghihinayang
" Huwag kang ganyan" saway ni Daddy sa kanya
" Hello po Tita at Tito I am Klent kaibigan ni Venice"
" Hello masaya kaming makilala ka" usal ni Daddy
" Mom, Dad dito muna siya matutulog ngayon"
" Oo naman ipapahanda ko ang guest room magluluto rin ako ng masarap na dinner, honey tulungan mo ako"
Hinila niya si Daddy papasok sa kusina
" Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila"
" Wala yun mukhang masiyahin sila pareho" nakangiti niyang sabi.
" Brother Klent let's go ipapakita ko sayo ang kwarto ko"
7:00 pm
Took.. took
" Come in"
" Venice"
" Klent may kailangan ka?"
" Pwede bang humiram ng charger naiwan ko sa bahay ang sarili kong charger? Binuksan ko ang drawer at binigay ang kailangan niya
" Thank you" bago pa man makarating sa pinto tinawag ko na siya.
" Klent sandali"
Lumingon siya sa akin at mukhang naghihintay sa susunod kong sasabihin.
" Can I asked---
Hindi ko siya kayang tanungin
" Tungkol ba yan kay Nathan?" Tumango ako bilang tugon lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
" Anong gusto mong itanong?"
" Bago yun akin na yan" inagaw ko ang phone niya para isaksak sa socket.
" Alam kong medyo personal to pero I'm just curious kung paano kayo nagkakilala ni Nathan?"
Sinabi niya sa akin ang lahat bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay tinatandaan ko.
" Tingnan mo diba sobrang cute niya?"
Nagulat ako ng makita ang larawan ng kapatid ni Nathan. Hindi ako nagkakamali siya ang girlfriend ni Jasper.
" Bakit ganyan ang mukha mo ayos ka lang ba?"
" Yes, she is my brother girlfriend"
" What girlfriend?" Sigaw niya habang nakanganga
Kring..kring
Nabaling ang attensiyon namin sa cellphone niya ng bigla itong tumunog.
" Sino kaya to?"
" Hello"
" What?" Napatayo siya bigla
" Alright pupunta na ako diyan"
"Klent may problema ba?"
"Si Nathan" tugon niya habang makikita ang pag aalala sa kanyang mukha.
Fast forward
Mula sa labas rinig na rinig namin ang tunog ng nabasag na gamit.
" Anong nangyari?" Tanong ni Klent ng makababa kami ng sasakyan.
Si Kevin ang sumalubong sa amin sa labas
" Good evening Klent and Ms. Venice" bati niya
" Arrghhh" sigaw mula sa loob
" Nagwawala ngayon si Nathan sa loob"
" Huh!! Bakit?" Tanong ko
" Dahil itinakas niyo si Klent mula sa kanya" tugon niya
" Sandali hindi ---
" Alam namin ang nangyari" seryoso niyang sabi
" Now Klent do your best to make him calm"
" Sandali baka sasaktan niya ang kaibigan ko" nag aalala kong sabi.
" He can't do that especially---
Hindi niya itinuloy ang susunod na sasabihin sa halip isang mapaglarong ngiti ang namuo sa labi niya bago binuksan ang pinto.
" Dont be afraid ikaw lang ang makakapigil sa kanya"
Nakita kong napalunok si Klent at huminga ng malalim saka pumasok sa loob. Ilang segundo lang ang nakalipas bigla nalang tumahimik sa loob.
" See tama ako"
" Kaibigan ka niya pero bakit hindi mo siya kayang pakalmahin?"
" Hindi ko rin alam kung bakit, siya nga pala Ms. Venice ihahatid na kita sa inyo mukhang hindi mo maisasama si Klent pabalik"
" I have my own car I can go home alone"
" Then let me drive you home"
" No I can handle myself"
" I insist gabi na rin at isa pa huwag mong kailangan kung saan ka ngayon"
Muntik ko ng makalimutan this is the famous Red Dragon Headquarters.