ENJOY READING (/>o<)/ •ווווווווו "PAANO mo nalaman na nandito ako?" Tanong ni Faith kay Winston at naupo sa katabi nitong sofa saka uminom ng juice sa basong hawak. "Before I get here, tinanong ko si Ria kung saan ka nag-i-stay and she told me na nandito ka sa Casa ng mga Zembrano." Nagsubo ito ng slice ng cake na ipinahanda niya. "So... You two are now back together huh?" Napayuko si Faith sa baso sa kanyang kandungan at nilaro ang rim niyon. "I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo..." Hindi kasi siya gaanong nagbubukas ng mga social media accounts niya kaya bibihira nalang din niya hawakan ang cell phone. Balak din naman niyang sabihin sa kaibigan ang tungkol kay Lorenzo, sadyang naunahan lang siya ng pagkakataon at ito pa mismo ang pumunta at nakaalam sa bagay na

