ENJOY READING (/>o<)/ •ווווווווו "FAITH, uuwi muna ako sa atin, babalik din ako mamaya." Ani Celestina at inayos ang mga gamit sa lamesa. "Ipapatawag ko nalang yung private nurse para may kasama ka." "H'wag na mom, kaya ko na naman pong mag-isa. Babalik na lang din naman ako sa tulog 'pag alis mo." Aniya at humikab pa. "O s'ya sige," Isinukbit ni Celestina ang bag sa balikat. "Tatawag na lang ako kapag pabalik na ako." Aniya at lumabas na ng silid. Nang makaalis ang ina ay muling nahiga si Faith sa kama. Tiningnan niya ang oras sa wall clock, it's still early, halos hindi pa pumapatak ng alas-singko ng madaling araw. Muli niyang ikinumot sa sarili ang kumot at pipikit na sana nang may kumatok sa pinto. Baka mama niya lamang at may naiwan lang. "T-the doors open." Muli

