ENJOY READING! (/>o17 years ago Lorenzo 12 years old | Faith 9 years old MAY birthday party'ng nagaganap sa hardin ng orphanage, ito ay ang ika-9 na taon ng anak na babae ni Mr. Severino Fuentes, ang nagi-sponsor sa kandungan ni Maria Orphanage. Ang anak mismo ng nasabing ginoo ang nagdesisyon na doon ipagdiwang ang kaarawan nito, nais daw nitong makilala ang mga batang tinutulungan ng kanyang ama. Kasalukuyang ginaganap ang palaro ng pagdiriwang ngunit narito ang isang batang lalaki at nakatunghay lamang sa isang gilid ng poste. "Lorenzo," lapit ni sister Teresa sa batang lalaki. "Anong ginagawa mo rito?" "Wala po." "Ayaw mo bang makipaglaro sa iba o makilala man lang ang anak ni Mr. Severino?" "Wala po akong gana makipag-saya." Sagot ng batang Lorenzo at pumanhik sa kwarto. S

