WARNING: SOFT SPG AHEAD! ENJOY READING! (/>o<)/ •ווווווווו LUMIPAS ang dalawang buwan at naging maayos at maganda ang kanilang pagsasama. Natanggap na ni Faith ang lahat at naiintindihan niya ang nagawa ni Lorenzo sa kanya noon. Nais lang naman nito ay malaman ang mga taong gustong sumira sa kumpanya at sa pamilya nila. Maaaring ito rin ang nagplano ng di natuloy na kasal ng dating nobya at ni Lorenzo. Hindi narin nila nakita pang muli si Tiffany simula noon. Nais mang kausapin ni Faith ito ay walang na siyang komunikasyon sa kaibigan. Kasalukuyang naghahanda si Faith ng umagahan katulong sila nanay Rosa sa kusina. Alas-singko pa lamang ng umaga ngunit gusto niyang ipagluto ang asawang papasok sa trabaho. Kung tutuusin ay natural na sa kanya iyon dahil araw-araw niya na

