ENJOY READING! (/>o |Hours Ago| "Nice to meet you, Mr. Zembrano, I'm Faith Alba Fuentes." Nakangiti niyang lahad ng kamay dito. Tiningnan muna nito ng ilang segundo ang kaniyang kamay. Hindi alam ni Faith kung ibababa ba niya ang kamay dahil sa hitsura nito'y hindi nito tatanggapin iyon. Nanatili siyang nakangiti rito. Ibababa na sana niya ang kamay nang tanggapin nito iyon. Animo'y panandaliang tumigil ang kanyang mundo nang maramdaman ang unti-unting pagdaloy ng 'di maipaliwanag na elektrisidad sa kanyang katawan. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Nice to finally meet you too, Ms. Faith Alba." Anito sa malalim na tinig. Pinanatili ni Faith ang ngiti sa kanyang labi sa kabila nang panlalambot ng kanyang mga tuhod. Pabilis nang pabilis ang t***k ng kanyang puso. Damang-dama niya

