4. The Stray Cat Story

5934 Words
Eunjean's POV : Pagsilip ko sa salamin, malabo ito. Marahil dahil sa lamig na hatid ng malakas na ulan. Pinunasan ko pa ng towel ang salamin para makita ko nang malinaw ang sarili. Ginalaw na naman ng daliri ko ang magkabilang gilid ng labi ko para i-arko. Isang ngiti. Isang ngiti na kailangan kong baunin hanggang mamayang pag-uwi. Dala ko na rin yung extrang baon para sa leader ng Zeta-Roma, ang deal ay deal. Pagpasok ko sa school, aba payapa pa rin, walang banta ng unos except sa banta ng bagyo, may namumuong world peace sa pagitan namin at ng Zeta-Roma. Aabangan ko na lang ang mga tauhan n'ya na kunin 'to sa'kin mamaya, maggagalit-galitan na lang ako kunwari para hindi mahalata ng iba. LUNCH BREAK. Matatapos na ang break time pero walang dumating para kunin yun. Dati on time sila, minsan advance pa nga. Dinala ko na lang yun sa hide out nila. Napanganga lang ako nang makita ko siya na nakaupo at pinapanood lang ang pagbagsak ng ulan. Ibang side na naman nya ang napapansin ko. "S-Sandali. . ." Lumingon lang s'ya pero hindi ako kinibo. Hindi s'ya masungit o mainit ang ulo. Walang ibang reaksyon sa muka n'ya kundi lungkot. Binatukan ko ang sarili ko at bumalik sa room namin. Bakit ba kasi ako nagpauto sa batang yun. Bakit ko inubos ang oras ko sa paghatid ng baon n'ya. Nasayang lang lahat. Pauwi na ako nang harangin ako ng isang motor sa tapat ng school. "Hi Pres! What's up?" Si Stefan Carter? "Gusto mong magpalamig ng ulo? Tara." Niyayaya n'ya ba akong umangkas sa kanya? Saan naman n'ya ako dadalhin? Sa club house ng subdivision namin kami napunta, umaambon pa rin kasi kaya dito na kami sumilong. Bakit nga pala ako sumama sa batang 'to? Pinapanood namin ang pagpatak ng ulan. Wala naman kasing pwedeng gawin dito kundi tumulala. "Gusto mo ba ng kwento?" bigla n'yang pagtatanong. "Okay lang, makikinig ako." "Sige, sisimulan natin ang kwento sa buhay ng isang kuting. Namatay ang kanyang nanay at binalak n'yang hanapin ang tatay n'yang pusa para makaganti sa pang-iiwan sa kanila. Gusto n'yang ipakita na mas malakas na sya. Naglakbay sya para hanapin ang kanyang tatay pero nang magkita na sila di nya inaasahan na may ibang pamilya na ito. Kinalmot nya at kinagat ang bagong asawa ng tatay n'ya pero pinasabihan lang sya na umalis na. Yung kuting, naiwang mag-isa. Malakas na nga sya pero wala namang pamilya at hindi alam kung saan na pupunta, ni hindi alam ang daan pabalik. Ikaw Eunjean, ano sa tingin mo ang magandang ending sa kwento ko?" Na-carried away na naman ako sa kwento n'ya at iniimagine pa ang pusa nang tanungin n'ya ako. Gusto ko ng happy ending sa kwento ng ligaw na pusa. Kailangan n'ya ng hustisya. "Binibigyan mo ba ako ng chance na dugtungan ang kwento mo?" "Oo. Baka mas maganda ang maisip mong ending." "Hmmmmmm okay. Uuwing luhaan ang ligaw na pusa, pero habang naglalakad s'ya may nakasalubong s'yang mabait na bata. Kinuha s'ya, inampon at inalagaan. . . tapos—" Hindi na naman ako pinatapos. Bigla kasi siyang nagsalita. Ano ba yan! Bakit ba ako laging naka-cut sa sasabihin ko? "Okay na siguro yun. Magandang ending na kaysa sa naiisip ko, salamat Ms. President, o pa'no kailangan ko nang umalis at may naghihintay pa sa akin na pusa. Siguradong gutom na 'yon." "Pwede mo bang ibigay 'to sa alaga mong pusa? Malinis pa yan, hindi kasi yan nagustuhan ng pagbibigyan ko sana kanina." Inabot ko sa kanya ang baunan ko na dapat sana iba ang kakain. Nagpauto kasi ako sa taong 'yon. Dapat hindi ako naniwala sa kanya. "Salamat. Siguradong matutuwa 'yon." *** Lavi's POV : I'm knackered! This is rubbish! Wala na bang ibang makakain bukod sa cup noodles at cup noodles at cup noodles? Ay meron pa dito sa cabinet, bulalo flavor na— CUP NOODLES! Pakiramdam ko sabaw na ang dumadaloy sa ugat ko at malapit na akong mag-transform na walking noodles. Gusto ko ng kwek-kwek pero wala akong lakas para sagupain ang ulan sa labas. Ayoko sa ulan. Walang mahabang explanation basta ayoko sa ulan. Period. Ang laki-laki nga ng bahay na 'to wala namang masarap na pagkain. Magdadalawang taon na kong walang silbi sa mundo. Ano ba kasing ginagawa ko dito sa Pilipinas? Nakaupo sana ako sa maganda kong opisina na nakataas ang paa habang kumakain ng masarap na pagkain sa casino namin at sisiguraduhin kong hindi 'yon cup noodles! Kasalanan talaga 'to ng magaling kong tatay! Kung nagpakatino sana s'ya, hindi ako pupunta dito para gumanti. Kasalanan n'ya kung bakit nagugutom ako ngayon! Kapag ako namatay sa gutom mumultuhin ko sila habang-buhay! Pagbukas ng pinto nakita kong may bitbit na kung ano ang kaibigan ko. Umaasa akong hindi cup noodles ang uwi n'ya, please, please, please! Ibang pagkain naman po please! "Saan ka ba galing, Stef? Wala na bang ibang makakain? Kahit mamatay ako sa gutom hindi ko kakainin ang mga cup noodles na binili mo." "May you rest in peace." Naloko na! Cup noodles ulit! "Bakit saradong-sarado ang mga bintana? Bakit may bulak ang tenga mo?" "Diba nga umuulan. Alam mo naman kung bakit nagtatanong ka pa." May iniabot na lunch box si Stef, kaninong bata n'ya kaya inagaw 'to? Mukang may batang umiyak nang dahil sa kaibigan ko, mukang natututo na s'ya. Pagkabukas ko naglaway ako nang makita ko ang masarap na tempura. Hulog ka ng langit, Stef. "Bigay 'yan ng isang mabait na bata." *** Elisha's POV : Mukang maaga ako masyado dito sa library, wala pa s'ya. Pa'no ako hahabol kung hindi ko nakikita ang hinahabol ko? Hindi ko na s'ya nakita nang almost 23 hours, 15 minutes and 19 seconds. Mababaliw na ata ako kakaisip sa kanya. Naka-ilang rewind na ako sa utak ko nang nangyari noong magkausap kami. Gasgas na nga eh. Kailangan ko ng bagong moment kasama s'ya. Pagsulyap ko sa pinto nakita ko rin sya. Si Stefan. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Kailangang tumabi s'ya sa akin na hindi naman obvious na naghahabol ako kahit ang totoo naman gusto na s'yang tawagin at paupuin sa tabi ko. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Kawayan ko kaya sya para mapansin ako? Baka isipin naman n'ya feeling close ako. Hindi pa nga n'ya alam ang pangalan ko. Nakita na ata ako ni Stefan. OMG! Nakatingin s'ya sa akin! Tatabi na ba s'ya? Lumalapit na sya! This is it! May gusto na s'ya sa akin. May tumabi sa'king iba at umupo sa first row si Stefan. Jusko ano bang kapalaran to! Sayang. Akala ko pa man din dito na s'ya tatabi. Bakit kasi may epal na sumigit sa namumuong love story namin ni Stefan? Sige na nga. Think positive. At least nakikita ko ang napakagandang likod ni Stefan. Grabe ang kisig n'ya talaga. Ang sarap siguro mag-back hug sa taong yun o kaya magpa-piggy back ride. Ako na siguro ang pinakamasayang prinsesa kapag nangyari yun. Haaaaayyy Stefan Carter. Kailan kaya darating yung time na paglingon ko ikaw yung nasa tabi ko? *** Dominie's POV : Pinag-iinitan na naman ako ni Mrs. Gorospe. Hindi ko na nga masyadong pinapahalata 'tong false eyelashes ko eh. Ano ba yan lumalapit pa. "Mr. Ryan, Dominie. Ano nga ulit ang posisyon ng Papa mo sa Military?" "General po." "Ah General? Eh alam ba ni General na gumagamit ang anak n'ya ng false eyelashes sa klase ko? Tanggalin mo kung ayaw mong hatakin ko 'yan." Kambal ka ba ni Ms Sefina? Buti pa yung adviser ko naiitindihan ko kung bakit laging high blood. Matandang dalaga kasi yun. Eh s'ya? Walang ginawa kundi pahirapan kami sa quiz. Lagi pang pinupuna ang mga make up ko, kainis. *** Eunjean's POV: Naalala ko pa rin yung kwento ni Stefan pero ang gusto ko talagang ending may karugtong pa. Babalik ang tatay n'yang pusa at muli silang magkakasama, yun sana. Mas masaya sana yun diba? After ng PE Class namin nakita ko na lang na nakakalat sa sahig ang mga gamit ko pagbalik namin sa room. Sinong may gawa nito? May kinuha ba sila sa gamit ko? "Ikaw lang ata baduday ang nilooban ng bag. Tingnan mo baka may nawala sa mga gamit mo." Tama si Dom, isa lang ang nasa isip ko na pwede nilang nakawin sa akin. Ang picture ng asawa kong si Ji Yong oppa. Pero mali ako, iba ang nawawala sa mga gamit ko. Alam ko na agad kung sino ang kumuha kaya alam ko na rin kung saan ako susugod. Pero diba inayawan n'ya yun kahapon? Di ko talaga mahuli ugali ng taong 'yon. Sa hide out nila kinakain na ng leader ang tanghalian ko. Ang sama. Adik ba s'ya? Kung kelan ako walang extra dun n'ya kinuha ang baon ko. Gutom na gutom pa man din ako. Sya lang mag-isa sa hide out. "Bakit mo kinuha ang baon ko? Anong kakainin ko ngayon?" "Ito ang deal natin noong isang araw, diba? Ulyanin ka ba?" Sa pagkayamot napakamot na lang ako sa ulo. Makaalis na nga. Wala rin akong energy makipagtalo. "Saan ka pupunta?" habol n'ya. "Sa lugar lang naman na malayo sa'yo," matamlay kong sagot dahil gutom na gutom na ako. May inilapag s'yang na plastic na galing sa Jollibee. 'Yan ata 'yong naaamoy ko kanina na lalong nagpagutom sa akin. Chicken Joy. Mukang spicy pa nga ang flavor. "Para sa'kin ba 'yan?" kukunin ko na sana mula sa pagkakahawak n'ya pero hinatak n'ya ulit. Pinaglalaruan n'ya ako, sigurado ako. "Inaasar mo ba 'ko?" pagalit kong tanong sa kanya pero ang itsura n'ya parang walang muwang sa mundo. "Parang ganoon na nga," tapos inabot n'ya ulit, kukunin ko ulit at inilayo n'ya ulit sa 'kin. "Ayoko na! Kainin mo mag-isa 'yan! Magpakasawa ka hanggang sumabog ang t'yan mo!" sumpa ko sa kanya. Hindi n'ya ba alam na sa sobrang gutom ko pwede ko s'yang mausog at laway ko lang ang antidote? Haha bahala s'yang mamilipit sa sakit ng t'yan mamaya! Bwahahahaha! "Bawal ka sa manok diba? Hindi mo ba napansin na 'yong kinakain mo e chicken fillet?" Naalala ko lang na sinabi n'yang bawal s'ya ng manok noong nasa bahay namin s'ya. Naibagsak n'ya ang kutsara at tinidor. Sa sobrang sarap siguro ng luto ni mama hindi na n'ya namalayan na manok na yung kinakain n'ya. Galit na galit s'ya na tumingin sa akin. "O bakit ganyan ka makatingin! Ginusto ko bang ipakain sa'yo yan?" "Plano mo 'to noh!" Sinisi pa ako. Adik ba s'ya! Malay ko ba na kukunin n'ya ang baon ko ngayon. Kung alam ko lang edi sana nilagayan ko 'yan ng potion na pampabait sa masamang ugali. Tumakbo na ko paalis. Hindi naman sa takot ako. Tinatamad lang akong makipag-away sa taong yun lalo pa na gutom na gutom ako. Ano kayang mangyayari sa kanya? Baka ano mang oras maging manok na s'ya. Wow. Kaka-excite! *** Lavi's POV : Ten minutes pa lang ang nakakalipas mula nang planuhin ng babaeng 'yon na ipakain sa akin ang manok, inaatake na ako ng allergy ko. Nahihirapan na akong huminga! Relax! Kalma lang! May gamot ako! Kailangan ko lang inumin. Peste naman 'tong allergy ko kumakain lang naman ako, gusto pa akong patayin. Pa'no makukumpleto ang buhay ko kung bawal ako ng manok? Kung ano pa 'yong paborito mo doon pa nagkaroon ng allergy! Mamamatay na ba ako? Siguradong pagtatawanan ako ng lahat kapag nalaman nila kung anong ikinamatay ko! Hindi katanggap-tanggap 'yon lalo na sa isang leader na tulad ko. Kasalanan mo 'tong lahat! Kailangan mong magbayad! Tinawag ko ang lahat ng alagad ko. Masyadong delikado ang ipapagawa ko sa kanila. Buhay ang nakataya. Isa 'tong bagay sinumpaan nila bago ko sila tinanggap sa Zeta-Roma. Nakatayo sila sa hide out at hinihintay ang utos ko at nakinig naman sila. Bakas sa muka nila ang pagkasorpresa. Hindi ko sila masisisi dahil kahit ako hindi ko yun kayang gawin. May nagtaas ng kamay. Ano 'to? Teacher ako, estudyante sila. Pero hahayaan ko na lang, mas importante ang misyon na ibibigay ko. Wala rin akong sapat na lakas para pagalitan sila dahil nasa bingit ako ng paghihingalo. "May hindi ka naintindihan sa ipinagagawa ko?" "Pa'no po namin malalaman kung yun na yung pusang pinahahanap nyo?" Tama. 'Yon ang misyon nila. Ang hanapin ang pusang dinala dito sa hide out noon ni Stef. "'Yon lang ang nag-iisang pusang gala dito sa Oxbridge," dahil ang iba pinalayo ko na ilang radius mula rito. Para hindi na sila mahirapan, bibigyan ko sila ng idea. Nag-drawing ako sa blackboard, magaling akong mag-drawing. Ayokong magyabang pero 'yon ang totoo. [Zeta-Roma member's POV] "*pabulong* pusa ba yan o alien?" "*pabulong rin* Iiyak ako kapag may ganyang pusa nga. Nakakahabag ang itsura n'ya." "*hindi nya ibinulong, sa isip na lang nya* Ang pangit ng drowing ni boss." "*hindi n'ya ibinulong, hindi nag-isip, pinipilit na lamang na hindi matawa sa drowing* " *** Eunjean's POV: Gutom na gutom na ko talaga! Sino ba naman kasi ang mabubusog kung ang tanghalian mo footlong lang. Bakit ba hindi ko naisipang mag-rice kanina sa canteen? Parang wala na akong lakas maglakad pauwi sa bahay namin. Parang ang weird lang. Bakit kanina pa may gumagalaw sa loob ng bag ko? Medyo mabigat din, hindi naman siguro, wala lang siguro talaga akong lakas ngayon. Aba, lumalakas na yung paggalaw sa loob. Huminto ako sa paglalakad at kinuha ang backpack. Masilip na nga. Pagbukas ko ng zipper ng bag may kung ano na lang na tumalon papunta sa akin mula sa bag ko. Halos napasigaw ako nang lumundag yun sa balikat ko! "B-Bakit may pusa sa loob ng bag ko!" Ang cute! Maamo yung pusa. Kasing kulay s'ya ni Garfield tsaka ang taba-taba. Ang swerte ko naman. Naging mabait ba 'kong bata? Regalo siguro sa'kin 'to ni santa. Teka! Naalala ko 'yong batang lalake na nagsabing kapag may nagbigay na pusa sa akin tanggapin ko kasi swerte daw 'yon. Oh my gulay nagtaasan ang balahibo ko dun ah! Ang creepy! Mukang darating na ang swerte sa buhay ko! "Gusto mo bang magpaampon sa amin? Promise hindi kita aagawan ng pagkain tsaka bibigyan kita ng privacy. Ano? Deal?" Mukang gusto nya kasi tumutunog yung tyan nya eh. "Welcome to Vargas family." Excited na ako mag-alaga ng pusa! *** Lavi's POV: Kinakausap n'ya yung pusa? Ano kayang sinasagot sa kanya nun—Ay takte! Nahahawa na ba 'ko sa ka-abnormalan ng babaeng yun? Aba? May balak ba s'yang iuwi yun sa kanila? Ibang klase, seryoso? Mag-aalaga s'ya ng ganung creature? Matapos kong mag-effort na ipahuli yun kukunin n'ya lang at iuuwi sa bahay nila? Ibang klase talaga, tsaka bakit ko ba sinusundan ang babaeng yun at yung pusa? Nakatago pa ako sa tabi ng dust bin para lang makinig sa kanila? Napatayo ako bigla nang mag-ring ang phone ko. Mahuhuli pa ako nang dahil dito! At sino na naman 'to? Kailan pa naging public ang number ko? Kung sino-sino ang tumatawag sa akin! "Who's this?" "Are you insane? Bakit mo sinira ang office ng asawa ko? I'll sue you! I will file case against you!" Ang sakit sa tenga ng boses ng mga kabit oh. Parang sasabog ang ear drum ko ngayon dahil sa boses n'ya, ang pangit. "Hey stupid! Shut up!" Binabaan ko agad. Adik ba s'ya? May balak s'yang magdemanda? Ako pa tinakot? Kung masama lang ugali ko ng ilang degree pa, sa pusali na s'ya pupulutin. *** Eunjean's POV "Papa! Mama! May regalo sa'kin si santa!" excited kong pagbulabog sa parents kong nagpapahinga sa sala. "Regalo? Galing kay santa?" Lumapit si Papa, "Pusa? Bigay ni santa? E sa'n n'ya nilagay? Hindi s'ya kasya sa medyas anak." "Sa backpack ko po," nakangiti kong sagot. Napakamot ng ulo si Papa, mukang malalim ang iniisip. "Nagbago na ng strategy si santa?" Inilapag ko yung cute kong pusa sa kama. Nahiga s'ya bigla. Ang cute n'ya talaga! Nilalaro n'ya yung lace ng unan ko. "Naglalakbay ka rin ba? Hinahanap mo rin ba ang tatay mong pusa? Hayaan mo, pwede ka ditong tumira hanggang kailan mo gusto. Ano bang bagay sa 'yong pangalan?" Kapag tinititigan ko yung pusa naaalala ko yung muka ng leader ng Zeta-Roma na natutulog. Kambal siguro silang dalawa noong nakaraang buhay nila tapos pinarusahan yung kaluluwa nung Zeta-Roma kaya ginawa syang tao. Ah tama! May naisip na akong pangalan. "Lav Lav! Ano cutie pie, gusto mo ba nun?" Narinig ko yung tiyan n'ya. Mukang masaya s'ya sa ibinigay kong pangalan. Mula ngayon ikaw na si Lav Lav, ang ligaw na pusang aampunin ko. *** Lunch break, may hinahagad akong pasaway na Zeta-Roma, akala ko may world peace nang namumuo sa pagitan ko at grupo nila pero nagsisimula na naman silang manggulo sa school. Teka may balak pa ata silang mag cutting classes! Hindi kayo makakalusot sa 'kin! Nakalundag na sila sa kabila ng pader habang ako nakabwelo na at naka-akyat na sa pader, nakatalon na ako nang mapansin ko na may tao pala na mahuhulugan ko. Yari na naman ako. Bakit nagkrus na naman ang landas namin. Ang laki ng school na 'to pero bakit lagi ko 'tong nakakadaupang-palad! "Aray!" naipit yung kamay ko sa pagitan ng semento ng side walk at ng likod nya paglapag ng katawan ko sa katawan n'ya. Ilang milliseconds din kaming nasa ganung pwesto at ewan ko ba kung bakit parang thankful na rin akong sa kanya ako nahulog, safe naman din ako kahit paano. "Pwede ba umalis ka sa ibabaw ko!" galit na galit s'ya kaya natauhan na ako. Agad akong bumangon kahit sobrang sakit ng kamay ko, nabalian ata. Nanlalambot na agad ako sa sakit, aminado ako duwag talaga ako. Konting sakit lang takot na takot na ako agad. S'ya naman nakatayo agad at ininda ang sakit ng likod n'ya. "Bakit ba trip na trip mong mahulog sa 'kin! Muka ba akong foam!" sermon n'ya, mukang may totopakin na naman. "Malay ko ba na nandyan ka." "Ayan ka na naman sa masama mong ugali. Imbes na humingi ng sorry ikaw pa 'tong galit." Hinawakan ko ang kamay n'ya, kung hindi ko man mapabalik sa loob ng school ang mga alagad n'ya, s'ya na lang. "Bakit mo 'ko hinahawakan!" hysterical n'yang pagpalag na parang may pagsasamtala akong ginawa sa kanya. Maka-react 'to parang babae. "Ibabalik kita sa school." "Bitaw! May pupuntahan ako!" Pumalag s'ya at nakatakas kaya ang unang reaksyon ko ay habulin s'ya. "Ano ba! Bakit ka ba sunod nang sunod!" Mabagal talaga s'yang tumakbo. Maaabutan ko na nga s'ya pero pinipilit n'ya pa ring makalayo hanggang sa makarating ang habulan namin sa footbridge. Napahinto sa pagtakbo ang Zeta-Roma sa gitna ng footbridge nang marinig nya ang malakas na busina. Parang nanginginig s'ya na hindi ko maintindihan. "Okay ka lang?" Nilapitan ko s'ya. Sobra s'yang namumutla. Kumapit s'ya ng todo sa railings ng footbridge. Ah alam ko na, nalulula sya. Ang sarap n'yang ivideo kaso walang camera yung cellphone ko. Nilapitan ko s'ya at inalok ang kamay ko para mahawakan n'ya. "Gusto mo ba ng tulong?" Nakakatawa talaga. Gusto ko s'yang asarin at pagtawanan pero sa sobrang takot ng lalakeng yun ay hinawakan n'ya ako nang malamig n'yang kamay. Hinawakan n'ya ang kamay ko nang sobrang higpit. Nagkatitigan kami sa gitna ng footbridge sa katirikan ng araw habang maraming dumadaang mga tao. Hawak n'ya yung masakit kong kamay pero sa kung anong kadahilanan hindi ko nararamdaman yung kirot. Mas naririnig ko yung palpitation ng puso ko. May phobia rin siguro ako sa matataas na lugar kaya ganito. Hanggang sa makababa kami hawak pa rin niya ang kamay ko. Kulang na lang yumakap s'ya sa akin na parang bata, kawawa naman 'to, haist. *** Lavi's POV: Hala! Bakit natawag si Auntie. May problema sigurado. Hindi naman 'to tatawag para kumustahin lang ako. Baka magpapasadala ng spam? Ay hindi, malabo 'yon. "Bakit?" sagot ko na nanginginig pa. "HOY MAGALING KONG PAMANGKIN. HINDI KA BA MARUNONG MAGTIPID? I GAVE YOU A HUNDRED THOUSAND ON YOUR ACCOUNT JUST A FEW DAYS AGO TAPOS MALAMAN-LAMAN KO WALA NATIRA! MAY BINUBUHAY KA NA BANG BABAE D'YAN KAYA 'DI MO MAGAWANG UMUWI DITO AND YOU JUST USED YOUR FATHER AS AN EXCUSED?" Yari! Highblood na na naman s'ya. Ano bang sinasabi n'ya na binubuhay na babae? Sarili ko nga hirap na hirap na akong buhayin ibang tao pa kaya? "Calm down, Auntie Zera, wala—" "PUMUNTA KA NGAYON SA BANGKO AT I-CHECK MO KUNG PUMASOK NA PINADALA KONG PERA SA ACCOUNT MO THEN CALL ME LATER. TANDAAN MO! MAY INTEREST LAHAT NG 'YON. BYE." Magbibigay din pala inulan pa ako ng sermon. Tapos hindi man lang ako kinumusta? Mga Cervantes talaga, mga war-freak. After kasi ng deal ko nina Grand Ma at Grand Pa na payagan akong pumunta sa Pilipinas para sirain ang tatay ko, nagawa nilang i-freeze lahat ng account ko. Ang s*****a talaga nila. Gusto lang nilang makasiguro na hindi mapupunta sa tatay ko ang pera nila kahit para sa pagganti ko. They gave me two long years to enjoy this revenge. Ano bang napala ko sa ilang buwan na nagdaan? Pagkulo lang ng dugo at pag-resent sa kanya nang walang katapusan. Doon pumasok si Auntie sa eksena. Papahiramin n'ya daw ako ng pera basta babayaran ko na lang pagbalik ko. Secret namin 'yong dalawa. Kapag nakarating kay Madam Victoria ang pagpapa-utang ni Auntie, parehas kaming magdidildil ng asin sa kalsada. Kailangan ko nang makapunta sa bangko para makabili na ako ng pagkain at sisiguraduhin kong wala akong bibilhing cup noodles this time. Tumalon na ako sa pader nang maramdaman kong parang may kasunod ako. "Anong ginagawa n'yo?" May sumunod palang tauhan ko, balak ata mag-cutting classes. Good influence talaga ako oh! Kung buhay pa si Mama siguradong karate ang aabutin ko sa kanya at may mag-asawang sipa at bugbog pa. "Magsibalik kayo sa mga klase n'yo!" saway ko kaya nasindak sila at parang kawawang tuta na bumalik sa loob ng school. Ayokong masira ang buhay nila. Education is wealth. Ako lang ang exempted kasi naglalaro na lang naman talaga ako dito. Bakit may anino akong napansin mula sa taas ng pader? May susunod pa bang Zeta-Roma? Nagkatitigan muna kami. Nasa ere na s'ya at ako naman hindi handa sa mangyayari kaya para lang akong posteng nakatayo rito. Nag-landing s'ya. Nag-landing sa ibabaw ko. Lagi na lang ganito! Lagi ko na lang s'yang nasasalo. Natumba ako sa pavement at nakadagan s'ya sa akin. May naipit akong kamay sa likod ko. Siguro kamay n'ya 'yon. "Aray!" inda n'ya tapos heto ako feeling guilty na parang kasalanan ko pa. Ako na nga 'tong nabagsakan, ako pa 'tong nakokonsensya, pambihira. Natitigan ko 'yong muka n'ya. Halatang nasaktan talaga pero hindi ko 'yon kasalanan. Hindi ko s'ya pinilit umakyat sa pader at tumalon. Pasalamat pa nga s'ya nasalo s'ya ng katawan ko. "Pwede ba umalis ka sa ibabaw ko!" Tumayo s'ya at halata sa mukang nagsisisi s'yang tumalon pa kaya na-injured pa ngayon. "Bakit ba trip na trip mong mahulog sa 'kin! Muka ba akong foam!" "Malay ko ba na nandyan ka," maldita n'ya pang sagot. Kakainit talaga ng ulo mga ganyang tao oh. Sila na may kasalanan, sila pang galit. Tutuktukan ko na talaga 'tong babaeng 'to. "Ayan ka na naman sa masama mong ugali. Imbes na humingi ng sorry ikaw pa 'tong galit." Hinawakan n'ya ang kamay ko kaya medyo naaligaga ako. Bakit bigla-bigla s'yang nanghahawak ng kamay? Umakyat ata ng pressure ng dugo ko s ginawa n'ya. Kung ano maisipan ng babaeng 'to ginagawa n'ya agad na hindi muna nag-iisip eh. "Bakit mo 'ko hinahawakan!" "Ibabalik kita sa school." "Bitaw! May pupuntahan ako!" Nakatakas ako pero sinusundan pa rin n'ya ako. Ano bang problema ng babaeng 'yon! Tumakbo na ako para pumunta sa bangko pero makulit talaga s'ya. "Ano ba! Bakit ka ba sunod nang sunod!" Nakakahiya naman kung mabutan ako ng babae. Bakit ba ayaw n'ya 'kong tigilan. Napapagod na 'kong tumakbo! Sa kakatakbo ko at kaka-concentrate na hindi maabutan ng babaeng 'yon, hindi ko na namalayan na nakaakyat na pala ako sa isinusumpa kong lugar. Ayoko sa mga footbridge. Walang mahabang explanation. Period. Parang kinikiliti na yung talampakan ko sa pagkalulula. Kasalanan 'to ng babaeng 'yon. Anong gagawin ko para makababa. Sino ba kasi ang naka-imbento ng mga footbridge, skyway, fly over at lahat ng matataas na lugar. Galit ba sila sa mga may acrophobia? Wala silang konsiderasyon! "Okay ka lang?" Sinundan pa rin pala ako ng babaeng 'to hanggang dito. Hindi n'ya ba nakikita na nakakapit na ako sa railings at namumutla na sa takot tapos tatanungin n'ya ako kung okay lang ako. Okay lang s'ya! "Gusto mo ng tulong?" 'Yon na ata ang pinakamaganda n'yang sinabi sa buong buhay n'ya. May utak rin pala s'ya kahit hindi halata. No choice na talaga ako. Kapag nasa bingit ka ng kamatayan kailangan mo nang kumapit sa patalim, kaya kumapit ako sa kamay n'ya. Pagkababa namin sa pesteng footbridge na 'yon doon ko lang na realized na ang kamay palang piniga ko dahil sa sobrang takot ay 'yong kamay n'yang nadaganan ko kanina. Iba na ang itsura ng kanyang muka, namumutla na. Napahinto ako sa balak kong pagtatanong kung kumusta ang kanyang kamay. Ang singaw ng katawan n'ya ay amoy vanilla, ilang segundo ko pang palihim na sininghot ang amoy na 'yon. Para akong idinuduyan sa ilalim ng mga puno habang malakas ang hangin. Hindi siguro ako magigising kung hindi dahil sa narinig kong malakas na busina ng jeep. "O-Okay lang ba yung kamay mo?" tanong ko sa kanya. "Ayos lang ako. Hindi naman masakit." Halatang-halata na namumutla s'ya sa sakit kanina pa tapos dinagdagan ko pa. Hindi ako papatahimikin ng konsensya ko kapag pinabayaan ko lang. Meron pa pala ako no'n. Pumara ako ng taxi at hinawakan ko ang braso n'ya para hindi na pumiglas. Ayoko ko rin magpaliwanag. "T-teka saan tayo pupunta!" o edi ngayon naramdaman mo din 'yong naramdaman ko kanina noong hinawakan mo ang kamay ko basta-basta. "Kuya d'yan lang po sa San Juan De Dios Hospital." Tumingin s'ya sa akin na parang puzzled pa rin kung anong nangyayari. "Bakit? Sinong may sakit?" tanong n'ya, gusto ko tuloy s'yang itapon palabas ng taxi. "Isusugod kita sa emergency room, malala na 'yang pag ka-slow ng utak mo. Delikado yan." Sumimangot lang sya at hindi na kumibo, ay salamat hindi na s'ya nagtanong pa ulit. Wala na akong lakas mag-explain. Sa Hospital, pina-xray ang kamay n'yang injured, so far wala namang fracture sa buto n'ya as per resident on duty. Naka-benda lang 'yon at sinabi ng doktor na ipagpahinga lang daw muna. Hinatak ko rin s'ya papunta sa coffee shop sa labasan lang ng ospital matapos ang check-pu. "Anong gusto mo? " tanong ko sa babaeng 'yon na parang naiilang na kasama ako. Naka-order na ako pero s'ya hindi pa rin makapag-decide. Dumating na ang order ko wala pa rin s'yang imik. "3-in-1 na lang yung sa kin. Great taste huh, ayoko ng Nescafe." Muntik ko nang maibuga yung ininom ko sa sinabi n'ya. Seryoso ba s'ya o nagpapatawa? "Ayoko na nga. Napahiya na ako sa reaksyon mo," pulang-pula ang pisngi n'ya, kakatawa. Komedyante ata 'tong nahila ko. "Bawal ako ng caffaine diba?" Nakalimutan ko 'yon. Guilty na naman tuloy ako sa reaksyon ko kanina. Tumayo na lang ako para mag-order ng frappe na cream base para sa kanya. Tuwang-tuwa s'ya sa whipped cream, parang bata. Hindi n'ya rin siguro napansin ang oras. Hindi n'ya ba naisip na nag-cutting classes na din s'ya nang sumama s'ya sa akin? Pagkatapos niyang uminom may cream na naiwan sa labi n'ya, tapos tumingin s'ya sa'kin. "Nanonood ka ba ng mga korean nobela?" tanong n'ya sa'kin, hindi n'ya pa pinapahid ang makalat na cream sa labi n'ya. "Anong gusto mo? Ako pa magtanggal n'yan sa labi mo? Etong tissue, 'wag kang ilusyunada," tapos nakanguso n'yang pinahid yung cream na nasa gilid ng labi n'ya. "Edi nanonood ka nga," bulong n'ya sabay patagong ngumiti. May iniisip siguro 'tong nakakainsulto sa'kin kaya ngumingiti. Pero hayaan ko na nga, kalmado naman ang utak ko ngayon for some unknown reason. Nag-i-enjoy ba ako na panoorin s'yang masaya? Natutuwa na ba 'ko sa kanya? Hindi. Nilinis ko lang ang konsensya ko kaya siguro ganito. Bumalik ako sa hide out. Nakabalik kami ni President siguro mga hapon na at sa sobrang pagkataranta n'ya nagtatatakbo s'ya pabalik sa klase nya, sana mapagalitan s'ya hahaha. Kahit hapon na maganda pa rin ang mood ko. Improving. Maganda ang mood ko ngayon siguro dahil busog ako at magkasundo kami ng panahon. "Anak." Si Joe Morris, ang tatay ko. Dumating s'ya sa hide out na may dalang basket at inilapag yun sa mesa. "Para saan yan? Nasa ospital ba 'ko? Bakit mo 'ko binibigyan lagi ng ganyan?" "Maganda 'to sa katawan, para hindi ka maging sakitin." "Well, we both know na kapag nagkasakit nga ako hindi ka makakarating para alagaan ako, tama?" "Ayokong makipagtalo." "Hindi mo 'ko mapi-please sa mga ganitong bagay. Sinabi ko naman sa 'yo noon, para mapaalis mo ako dito lumuhod ka sa harap ko at humingi ng sorry. Ihingi mo ng tawad ang pagsama mo sa kabit mo ngayon at pag-iisipan ko kung—" "Alam kong masama talaga ang loob mo sa'kin dahil sa mga nangyari pero at the end of the day I'm still your father and I deserve some respect from you." Medyo nag-iinit na ang sitwasyon dito. Sige, nasa mood akong maging salbaje ngayon at iiyak ka sa sakit ng mga sasabihin ko. "I am your legitimate son and I needed you but you left us. My mom was your wife but you have a mistress, at the end of the day you are my father and my mom's husband but you don't deserve any respect from me because of what you did, then here you are asking for some respect?" "Hindi mo alam ang totoong kwento at hindi ko alam kung anong pinamulat sa 'yo ng mga Cervantes pero hindi ako luluhod sa 'yo at inhihingi ng tawad ang pagsama ko kay Maddy!" Para akong sinaksak sa mga sinabi n'ya. Nagdidilim ang paningin ko habang nakatingin sa taong 'to. Hanggang hindi ko nariririnig ang paghingi n'ya ng tawad hindi ito matatapos. Kung hindi n'ya ibibigay ang gusto ko itutuloy ko talagang sirain s'ya hanggang sa makakaya ko. "Lavi!" paghabol n'ya sa akin pero lumayas na ako. Umuwi ako sa bahay pero wala pa si Stef. Pumasok ako ng kwarto at humiga sa kama. Inaalala ko pa rin yung sagutan namin ng tatay ko. Naalala ko tuloy si Mama, hindi ko maiwasang maluha. Ayokong tingnan yung picture n'ya sa side table dahil baka matuloy 'tong pag-iyak ko. Dalawang taon na s'yang wala pero hindi pa rin ako sanay, at mukang hindi ako masasanay na wala s'ya kahit tumanda na ako. Nasabi ko sa kanya kung ga'no ko s'ya kamahal noon pero bakit pakiramdam ko kulang pa rin 'yon? Hindi pa rin sapat para masabi ko na naging mabuti akong anak sa kanya. Kung pwede nga lang s'yang ipahiram ulit para makasama ko kahit sa huli pang pagkakataon. May kaibigan ako, may pamilya sa England pero bakit pakiramdam ko may kulang pa rin? Bakit pakiramdam ko mag-isa pa rin ako? Ano 'yong kulang na hinahanap ko? *** Joe's POV : Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay namin, hindi agad ako bumaba. Naiisip ko pa rin si Lavi. Galit na galit sya akin pero hindi ko s'ya masisisi. Ilang taon pa lang si Lavi noon nang makipag divorce ako kay Rosary. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-brainwash sa kanya ng pamilyang 'yon kaya galit na galit sa akin ngayon ang anak ko. "Bakit nandyan ka pa sa loob ng kotse? Masamang paghintayin ang grasya." Si Maddy, naalala ko na naman ang hinihingi sa akin ni Lavi. Hindi ko ihihingi ng tawad ang pagmamahal ko sa taong ito kahit kailan. "Nag-away na naman ba kayo ng anak mo?" Ngumiti lang ako at nagkibit-balikat. Wala na ata akong lakas magpaliwanag. "Napagsabihan ko din s'ya noong nakaraang araw. Bawat paglipas ng araw lalong lumalalim ang galit n'ya sa 'yo. Bakit hindi mo s'ya kausapin ng masinsinan? Sabihin mo sa kanya ang totoo." "Hindi rin s'ya maniniwala. Iisipin n'ya lang na sinasabi ko 'yon para umalis lang s'ya sa bansa at bumalik sa England." Pumasok ako sa kwarto para makapagpalit ng damit, kinuha ko ang itinatago kong box at napangiti ako sa mga nakita kong pictures. Mga pictures ni Lavi noong bata pa s'ya na may hawak na pusa na regalo ko sa kanya noon. *** Lavi's POV: Pumasok ako sa isang room na puno ng estudyante hindi para makinig sa klase kundi para mang-asar lang. Pagkakita n'ya sa akin nagkunwari s'yang busy sa sinusulat n'ya pero inagaw ko 'yon para 100% na ang atensyon n'ya sa akin. "Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon. Akin na yang notebook ko," wala n'yang energy na sagot. Hindi ata s'ya nakainom ng vitamins ngayon kaya ang tamlay n'ya. "Nasaan na nga pala yung pusa?" "Eh? Pusa? Sa'yo galing yun? Akala ko kay santa," disappointed ang muka n'ya kaya gusto kong matawa pero nakamasid sa amin ang mga classmate n'ya. "Santa? Sa tanda mong n'yan naniniwala ka pa kay santa?" "Okay fine. Edi sa 'yo na galing 'yong regalong 'yon. Akin na yang notebook ko." "Feeling mo regalo ko sa'yo 'yon! Halimaw 'yon at hindi isang regalo." "Edi tamang-tama pala kasi yung sinasabi mong halimaw isinunod ko yung pangalan mo. Ayos diba?" Ang sarap n'yang sakalin, ang maganda kong pangalan ibinigay n'ya sa pusang 'yon! Nang-iinsulto ba s'ya o hinahamon na naman n'ya 'ko? "Baka gusto mo nang umalis at ibalik 'yang notebook ko?" Asar ka! Sinipa ko nga 'yong pintuan ng room nila at umalis. Nakaka-badtrip ang babaeng 'yon. Bumalik ako sa hide out at nagmukmok na everyday ko namang ginagawa. Dumating si Stef na mukang may malalim na iniisip. Umupo s'ya at kinuha ang cellphone may pinanood na video. Kung titingnan ang muka n'ya muka s'yang gigil na gigil sa pinapanood n'ya, sinilip ko yung video. Peste! Video ng mga pusa pala ang pinapanood. "Nakakadiri kang panoorin, Stef. Pwede sa labas ka na manood n'yan." "Nakakawala sila ng stress. Dapat nanonood ka rin nito oh. Siguradong mawawala lahat ng galit mo sa mundo," pagrerekomenda n'ya ng buong puso. Speaking of pusa, naalala ko na naman ang walang pakundangang pagbibigay ng pangalan ko sa isang pusa ng bastos na babaeng 'yon. "Stef, anong gagawin mo kapag nalaman mong pinangalanan ng kaaway mo ang alaga n'yang pusa ng pangalan mo?" "Ikaw ba yan?" "S-Sa kakilala ko. Hindi ako!" "Well depende. Babae ba o lalake yang kaaway mo— kaaway ng kakilala mo?" "B-Babae." "At yung alaga no'n pinangalanan n'ya ng pangalan ng kakilala mo?" "Oo." "Kasi kung totoo silang magkaaway hinding-hindi n'ya ipapangalan 'yon sa alaga n'ya. Gusto s'yang laging maalala no'n kaya ipinangalan sa kanya." "Kapag ginamit ang pangalan mo para ipangalan sa alaga n'yang hayop, gusto ka n'yang laging maalala?" "Crush ka no'n—ay yung kakilala mo pala, crush s'ya no'n." 'Di na rin masama, at least naging kapaki-pakinabang pala sa iba ang pangalan ko.Ibig sabihin ba no'n gusto n'ya 'kong laging maalala? "Ngumingiti ka mag-isa," puna sa'kin ni Stef. Teka! Hindi ako ngumingiti! Maganda lang mood ko ngayon. 'Yon lang! Period.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD