8. Amor Deliria Nervosa

4714 Words
Pagpasok ko sa bahay naabutan ko sina Papa na nasa dining table at katatapos lang ng isang tawag. Mukang alam ko na kung bakit malungkot sila nang makita ako. Umupo ako sa tabi ni mama, ayoko ng ganitong moment. Masaya ako kanina tapos biglang babawiin sa'kin? Ang daya naman. "Tumawag sa'min ‘yong cardiologist mo, naka-line up ka na para sa next procedure mo. Anak, hindi daw 'yon tulad noon kaya pumayag ka na," hindi ako kumibo at naupo lang ako nang tahimik sa tabi nila. Nagsisimula nang i-reject ng katawan ko ang bagong pusong meron ako. Nakakatawa lang kasi hindi nakikisama ang katawan ko, hindi ba n'ya alam na halos maubos ang pera namin para sa operation tapos ganito-ganito na lang aayaw ang katawan ko sa bagong pusong meron ako ngayon. Nakaasar. Kaya nakakapag-aral lang ako ngayon dahil sa educational plan na napundar sa akin ng parents ko noon. Lubog sa utang ang pamilya namin dahil sa akin tapos heto na naman, hindi pa rin pala tapos ang bangungot na 'to. Nakakasawa na. Ayokong umiyak sa harap ng parents ko kahit awang-awa na ako sa kanila. Nagpapakahirap sila magtrabaho para mabayaran lahat ng utang namin nang dahil sa akin noon tapos heto na naman ngayon? Ang unfair naman. Tinanggap ko na lang na may expiration date ang second life ko para hindi na ako masyadong masaktan na magiging okay pa ang lahat, dahil alam ko namang malabong magiging okay 'to. Iniwan ko sila sa dining at umakyat ako ng kwarto. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa panibagong problemang 'yon. Kinandado ko para hindi sila makapasok. Ayokong may makapasok sa loob ng taguan kong 'to. *** Magsisimula na ang lunch break namin nang magpakita s'ya. Alam kong sa akin s'ya pupunta dahil nakatingin s'ya sa akin. "Lagot ka, Baduday, ‘yong baon mo ata ang ipinunta n'ya." ‘yong baon ko? Malapit na s'ya sa akin. Sa tapat ko na mismo. "Andito ako para sa baon mo," napa-charming naman ng ngiti n'ya. Pa'no kaya s'ya nakakangiti sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan n'ya? Gusto kong magpaturo kung paano maging masaya sa kabila ng problemang dumadating sa buhay natin. Lumapit s'ya at may ibinulong sa'kin, "Pinapanood nila tayong dalawa. Umasta ka kayang president at wag kang tulo-laway lang sa'kin." NATAUHAN AKO. ANO BA YAN! PARA AKONG TIMANG NA NAKATITIG LANG SA KANYA HABANG PINAPANOOD NA KAMI NG MGA CLASSMATES KO. "Bakit mo kinukuha ang baon ko? Tara sa office ngayon," piningot ko s'ya at hinila palabas ng room. Nang makalabas na kami at makalayo sa mga istudyante, tinanggal ko ‘yong kamay ko sa tenga nya. "Sorry nasaktan ka ba?" Napalakas ata ‘yong pagpingot ko sa kanya. "Ano sa tingin mo?" habang iniinda pa rin n'ya ang ginawa ko, "Nag-enjoy ka ata sa pagpingot sa'kin eh? Seryoso ata ‘yong. Gutom na ko, tara na." Binuhat n'ya ko na parang sako ulit, kainis bakit ba natutuwa s'yang gawin sa'kin to! s*****a talaga! "Bakit ayaw mong sumigaw? Kini-kidnap kaya kita ngayon, magpakipot ka naman kahit konte." Umakyat ata lahat ng dugo ko papunta sa pisngi kaya pumiglas ako. Pagkababa n'ya sa akin tawa s'ya nang tawa, pang-asar talaga. Wala nang ginawa kundi asarin ako! "Ano? Happy ka na? Nabwisit mo na 'ko?" bara ko pero nagmi-make face lang s'ya para lalo akong asarin. Layasan ko na kaya 'to. *** Naglalakad ako sa garden ng school, ang cute dito tsaka presko, naguguluhan pa rin ako. Paiba-iba ang ugali ni Lavi—oh my! Oh my! Tinatawag ko talaga s'ya sa pangalan nya? Naupo ako sa bench at nag-indian seat para maglamyerda. Napansin ko na may katabi akong babae na umiiyak. First year s'ya kasi makikita mo ang year level ng estudyante sa kulay ng ID lace. Green for freshmen, yellow for sophomore, red for junior at blue sa aming mga seniors. Green ‘yong sa kanya kaya alam mong freshmen pa lang s'ya. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko habang naka-indian seat pa rin at nakasandal. "Wala kang pakielam," bara n'ya. Magtimpi ka, Eunjean! Kalma! Babanatan ko 'tong batang to eh hindi ata ako kilala. "May pakielam ako dahil ako si Darna, ay hindi pala. Ako ang president ng student council. Ako ang boses ng kabataan, kung may kinalaman sa mga estudyante ang problema, malay mo baka matulungan kita." Tumahan s'ya at hinawakan ang kamay ko, "Malaki ang problema ko. Sinaktan ako ni Blaire Caryle ng 1-A." Tama ba ang naririnig ko? May nananakit ng babae sa school na 'to pwes magbabayad sya! President Eunjean Justice Mode On. Sumugod ako sa building ng mga first year para parusahan ang lalakeng ‘yong. Bago pa man ako makarating sa room ng 1-A, maraming babae na ang nakaharang sa pinto. Ano bang meron? May bigayan ba ng libreng bigas dito? "Pwede bang ilabas n'yo si Blaire Cary—" Hindi pa nga ko tapos may humatak na saking mga babae para sumingit sa pinto. Mga batang 'to hindi ba nila ako kilala? Bukod sa president ako, mas matanda ako sa kanila. "Gusto n'yo bang kaladkarin ko kayo sa guidance office!" "Shut up, girl! Nakakaabala ka sa pagsilip namin kay prince charming." Aba pinapainit nila ang ulo ko. Gusto ba nilang magbagong anyo ako at maging si incredible hulk? "Ah talaga? Nakakaabala ba ang president ng student council sa kaharutan n'yo? Magsibalik kayo sa room n'ya at mag-aral!" Napahinto sila sa kaharutan at nagsitungo na nagbalikan sa kani-kanilang classroom. Pumasok ako sa room ng 1-A at pumunta sa harapan nila. "Sino sa inyo si Blaire Caryle? Tumayo at sumama sa'kin sa office." Lahat ay lumingon sa bandang kanan, mukang s'ya si Blaire Caryle. Hmmmm may itsura. Bumalik ang mga mahaharot na estudyante at sa lalakeng ‘yong nakatingin. Mukang s'ya ang sinasabi nilang prince charming. "May ginawa ba kong kasalanan?" suplado ang batang 'to at kung makaasta eh parang hindi ko s'ya pwedeng kantiin. "Sa office tayo mag-usap." *** Nasa harap kami ng guidance counselor kasama ang complainant at defendant. Kampante ang batang lalake at hindi naman mapakali ang batang babae. "Ano neng? Magsalita ka na, diba sinaktan ka ng lalakeng 'to? Sabihin mo, binugbog ka ba n'ya? Biktima ng pangbu-bully? Tinuruang mag drugs?" "Ms. Vargas, makinig na lang tayo sa kanya," pinigilan na ko ng guidance counselor. "Sinaktan n'ya ko," mukang nahihiya pa ang batang babae na kumanta, baka natatakot s'ya sa kaligtasan ng buhay n'ya. "Sa'n masakit? Nakita mo na? Ikaw bata ka! Anong ginawa mo sa kanya!" binatukan ko ‘yong batang lalake sa sobrang inis ko. "Dito, ‘yong puso ko," sabay iyak at takbo palabas ng office. Lagot. Ano ba 'tong pinasok ko? Huhuhuhu tumataas na ang kilay ni Ma’am, kailangan ko nang mag teleport! "W-wait lang Ma’am kakausapin ko lang s'ya, natatakot po atang umamin baka may banta sa buhay n'ya." "Ms. Vargas, I will tolerate this for the last time. Ibalik mo na si Mr. Caryle sa room n'ya and go back to your class." Wala rin. Talo ako sa kaso ng kliyente ko. Kasalanan 'to ng batang to. "Ibang klase kang bata ka, kabata-bata mo pa puro ka na pangbababae? Nangbababae ka na sinasaktan mo pa sila. Napahamak pa ko!" sermon ko sa batang ‘yong, inakbayan ko s'ya at sinakal ng braso ko. "Hindi ba dapat mag-sorry ka muna?" suplado n'yang tanong sa 'kin. "At para saan?" "Naistorbo mo 'ko, hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?" Itinulak ako ng batang 'to kaya medyo na-out balance ako, buti na lang may nakasalo sa 'kin bago pa ako matumba. "Thank y—," umurong ang dila ko nang makita kung sino ang sumalo sa 'kin. "Kuya Lavi," tawag ng batang chickboy dito sa taong sumalo sa 'kin. Sandali silang nagkatinginan bago bilang nanghagad 'tong si Lavi. Anong meron? Bakit may hagadang nagaganap? "Loko ka! Bakit ka nanunulak ng babae!" Wow? 'Di nga? Makapagpangaral 'kala mo hindi n'ya rin gawain. Sa pagkakatanda ko ilang sakit ng katawan din napala ko sa kanya. "S'ya kasi eh. Kinaladkad ako dito kahit hindi n'ya alam ang buong kwento! Tama na kuya! Masakit na braso ko!" Para akong nanonood ng wresting match, kanino kaya ako pupusta? "Tama na nga yan! Oy!" Nang maawat ko sila bumait sa 'kin si Blaire Caryle at niyaya akong ililibre ng milktea sa labas ng school. Sakto naman para lumamig ang ulo ko sa gulong ginawa n'ya kanina. "Magkakaano-ano kayong dalawa?" usisa ko habang humihigop ng fruit juice. Tinakot kasi ako ni Lavi na malakas daw ang caffeine ng milktea kaya ito na lang daw fruit juice ang inumin ko. "Utusan ko s'ya," sagot ni Lavi na ikinasimangot ni Blaire Caryle. Grabe ang pogi ng batang 'to, parang artista na pang-leading man sa highschool drama. Kaya siguro maraming pinaiiyak 'tong babae eh. "Ang papa ko at papa n'ya magkaibigan," tipid na sagot ng poging bata na 'to sa harap ko. "Anong nilalagay mo sa muka mo? Anong skincare mo? Ang kinis-kinis mo naman, share mo naman oh!" pangungulit ko, kainggit kasi ang kutis n'ya parang nag-go-glow. "Sasabihin ko basta mag-sorry ka muna," pang-aasar n'ya pa. "Wala akong dapat ihiningi ng sorry," sagot ko with conviction. Bakit ako hihingi ng sorry eh totoo namang sinaktan n'ya ‘yong babae. "Kuya oh! Hindi s'ya marunong humingi ng sorry!" pagsusumbong n'ya pa. "It's her hobby, ‘yong hindi paghingi ng sorry," sabay nagkatinginan kami at mapang-asar s’yang ngumiti. Pa-cute. Sinimangutan ko s'ya sa sinabi n'ya na parang ang sama kong tao. Nag-sorry na ako sa kanya dati ah. Mapagtanim ng galit! Muntik nang lumakas sa ilong ko ‘yong iniinom ko nang tapikin n'ya ng malakas ‘yong mesa. "Una na 'ko," pagsusungit ni Lavi bago lumayas. Aalis lang pala may pagpalo pa sa mesa, haist. Pagbalik ng tingin ko sa batang kasama ko, nakatitig s'ya sa 'kin na parang sinisiyasat n'ya ang buong pagkatao ko. "Yes? Anong atin? Bakit mo 'ko tiningnan nang ganyan?" Sumingkit lang ang mata n'ya habang tinitingnan ako, "alam mo bang ni-reject ni kuya Lavi ang ate ko," pagkukuwento n'ya. "So? Anong kinalaman naman no'n sa pagtingin mo sa 'kin ng ganyan ngayon?" "Wala naman. Curious lang ako kung anong meron sa inyo ni kuya," bigla akong na-ubo sa sinabi n'ya. ‘yong ba ang kanina pa n'yang iniisip? "Wala noh. Wala kaming kinalaman sa isa't isa." Tapos tumango lang s'ya pero mukang hindi pa rin kumbinsido sa mga sinabi ko, para naman akong iniimbestigahan dito. *** Alisson's POV: Bakit magkakasama sina Lavi at ang bagong president? Hindi lang yan, close rin ba s'ya sa famous na si Blaire Caryle? Lahat na kakilala n'ya, malapit pa s'ya sa Lavi ko. Ano pa ang sense ng pagbalik ko dito kung mapupunta s'ya sa iba. "Hey, still alive?" Si Stefan Carter na lumapit sa'kin habang pinapanood ko sina Lavi. "Nandito ulit ako para sa kaibigan mo," bara ko pero umiling lang si Stefan na nakangiti. "Kung may balak kang guluhin si Lavi, change your plan. Alam mo rin ang sikreto n'ya kaya alam mong kaya ka n'yang Sirain at ulitin yang nangyari sa braso mo." Alam na n'ya agad ang plano ko pero hindi ‘yong ang makakapagpasuko sa'kin. *** Eunjean's POV: Walang pasok! Wala rin akong kasama dito sa bahay, si Mama nasa bookstore, si Papa naman may klase. Tapos na rin akong maglinis ng bahay, nagluto na rin ako—kahit medyo sunog kaya ko na ring kainin ‘yong. Pahinga muna. Silip sa cellphone. Walang message. Call Register? Number ni Lavi, wala pa s'ya sa phone book ko? SAVE. NAME? Lavi. Ay hindi delete, delete. Kapag nakita 'to ni Dom tiyak magtataka ‘yong. Anong kayang codename ang pwede kong gamitin. Dapat ‘yong ako lang ang makakaalam. Ah tama. LIGAW KONG PUSA. Ayan, naka-save na. Walang makakaalam na may number s'ya sa akin. Uy tumatawag s'ya, sakto naman. Hala! Bakit s'ya tumatawag? "Hello? Ha? Bakit nasa hospital kayo? Anong nangyari kay Lavi? Oo. Pupunta ako, alam ko yan." Pagdating ko sa ospital seryoso sina Stefan at Elisha kaya kinabahan ako. "Kumusta s'ya?" agad kong tanong pero hindi sila sumagot. Tumungo lang sila, hindi kaya— "Bakit hindi kayo makapagsalita? Anong nangyari sa kanya?" Bakit ganito ang kaba ko. Ano bang nangyari kay Lavi? Pinapasok nila ako sa isang private room kung saan ko nakita si Lavi na nakahiga, nakapikit, walang malay. Biglang tumulo ‘yong luha ko, "Anong nangyari sa kanya? Dadalhin na ba s'ya sa morgue mamaya?" "Morgue?" sabay pa sina Elisha at Stefan. May kung sino na lang ang nagbato ng unan sa ulo ko. "Gusto mo talaga akong mamatay!" "Buhay ka!" "Inisip mo bang patay na si Lavi?" natatawang tanong ni Stefan habang ako nagpapahid ng luha. "Eh kasi kanina, pareho kayong hindi makasagot sa tanong ko kaya akala ko—" "Ang lawak talaga ng imagination mo Eunjean," tumatawa na rin si Elisha kaya kumalma na ako. Pero hinila na lang palabas ni Stefan si Elisha na parang umiiwas. Naiwan kami ni Lavi sa loob, nilapitan ko s'ya na mukang mainit ang ulo. "Oh? Anong sakit mo?" tanong ko kaso ‘yong muka n'ya aburido. "Bakit hindi mo tanungin si Stef?" ang sungit naman nito kausap iwanan ko na kaya 'to dito. "Ayaw nga nilang magsalita." "‘Yong lalakeng ‘yong NAG-UWI NG LIMANG PUSA SA BAHAY NAMIN AT ANG LAKAS NG LOOB NG MGA ‘yong PARA MATULOG SA KAMA KO, PAGGISING KO KANINA NASA IBABAW KO LAHAT NG MGA HALIMAW NA ‘yong." "Hulaan ko, nahimatay ka?" Tiningnan ako ng masama ni Lavi sa tanong kong 'yon. "Dahil guilty si Stef dinala n'ya ko dito sa ospital. O ikaw? Anong ginagawa dito?" "Tinawagan ako nina Stef eh gamit ‘yong cellphone mo." "Mautak talaga ang lalakeng ‘yong. Naghanap pa ng kakampi. T-teka? Cellphone ko? Gi-ginamit n'ya?" O patay, nakita na siguro ni Stefan ang wallpaper ni Lavi. Mas-shock ‘yong kapag nalaman n'yang si Elisha ang wallpaper ng kaibigan n'ya. "Ano ba kasi ang problema mo sa mga pusa?" kailangang ibahin ko ang atensyon n'ya para hindi na nya maalala ‘yong cellphone. "Ayoko sa mga pusa 101%, alam mo bang mas matindi pa ang rabies nila? Dahil sa mga halimaw na ‘yong naranasan kong ma-injection ng sunod-sunod. Ano? Kaya mo ‘yong?" "Masaklap nga," pagsang-ayon ko para makalimutan n'ya muna ang cellphone n'ya. "Ayoko sa lahat ng pusa, sa lahat ng klase. Ayoko kina Garfield, Felix the Cat, Puss in boots, Cybored Kuro-chan, Doreamon at Pink Panther.." "Oh? Pusa pala si Pink Panther? Akala ko panther lang s'ya na kulay pink." "Nakakainis kapag nagp-purr sila, ‘yong umiilaw nilang mata, ‘yong nangangalmot na kuko at ‘yong pagkiskis nila sa'yo na akala nila sila ‘yong cutiest pet in the world." "Nagdidiliryo ka pa? Gusto mo bang magpahinga na lang. Lalabas na lang ako." "No! Stay!" Ang sweet n'ya. Muka akong aso na inutusan n'ya, kagatin ko kaya 'to. "I need my phone. Lalabas lang ako para kunin ‘yong kay Stef. 'Wag kang aalis." "Ako na lang ang kukuha," akto na sana akong lalabas at uunahan s'ya pero hysterical na n'ya akong pinipigilan. "NO! Ako na!" Ang weird n'ya talaga. Alam ko naman na si Elisha ‘yong kaya okay lang na makita ko ‘yong wallpaper n'ya. Unahan ko kaya? Tumakbo ako sa pintuan para unahan syang makalabas. "Ano ba! Inaasar mo ba ko? Bumalik ka dito o kakaladkarin kita?" "Natatakot ka bang makita ko kung sino ang wallpaper mo? Uy inlove sya, gusto kong makita kung sino." Kunwari wala na kong narinig, lumabas na ako agad para hanapin si Stefan at makuha ang cellphone ni Lavi. Aasarin ko s'ya pagbalik ko. "Stefan, hinahanap ni Lavi ‘yong cellphone nya." Natigilan si Stefan at Elisha, mukang alam na rin nila ang sikreto ni Lavi. "Eunjean, alam mo ang tungkol dito?" tanong ni Elisha, oo alam ko naman ‘yong, na s'ya ang gusto ni Lavi. "Oo, kayo? Ngayon n'yo lang nalaman?" "Hindi kasi nagsasabi si Lavi, hindi ka rin nagkukwento." "Ayokong sa'kin manggaling ‘yong eh, so nakita n'yo na pala na si Elisha ang wallpaper ni Lavi?" "S-so hindi mo pa nakikita? " tanong ulit si Stefan kaya nawirduhan na ako. Ano ba kasi ang sinasabi nila? Sure akong si Elisha ‘yong kaya inagaw ko ‘yong cellphone ni Lavi kay Stefan, masyado nang may thrill, pag-agaw ko— Nakita ko ‘yong wallpaper. Hindi si Elisha. Kundi ako. Ako ang wallpaper n'ya sa cellphone! "For clarification, hindi ako ang gusto ni Lavi. Ayaw na ayaw nga ng taong 'yon sa 'kin eh." Ako? Ako? Ako? Picture ko to noong nakatulog ako sa bus nung galing ako kay Mama. Ibig sabihin s'ya ang nagdikit ng sticky note sa noo ko? Katabi ko s'ya noon? At bakit ako ang wallpaper n'ya? "Stef!" dumating si Lavi na hingal na hingal, umiinit na ‘yong muka ko siguradong namumula na naman ako! "Y-’yong cellphone ko?" "E-eto oh," nakatungo ako habang ibinibigay ko ‘yong cellphone n'ya. "Anong meron? Bakit ganyan mga itsura n'yo!" paninindak nitong takot sa pusang kasama namin. Umiling si Stefan, "wala kaming iniiisip na kung ano, diba Elisha? Wala kaming nakita." Ngayong umaga may natutunan ako. Ang sobrang curiosity ay nakakapula ng pisngi. Hindi ko na 'to ulit gagawin. *** Elisha's POV : Bukas na ang Intrams, masaya ‘yong dahil walang klase at ibibigay ko kay Stefan ang buong oras ko. Buong araw kaming magkakasama at magiging masaya kami. "Listen class, maglalaro tayo ngayon ng dodgeball at kung sino man ang matatamaan ng mga boys na nakapalibot sa mga girls na nasa gitna sila ang magpartner tomorrow para sa three-legged race," instruction ni Sir Emman. Three-legged race? Kelan pa ‘yong napasama sa intrams? Fifty three lang kami sa section namin, ang kailangan ko lang gawin ay umiwas sa bola para ako lang ang walang partner at makasama ko si Stefan buong ara— *Ppooooooooook* Natamaan ako sa balikat. Hindi ko pa mga naririnig na game na kami may bumato na agad sa'kin? "Sir! Bakit n'ya ko binato! 'Di pa nga game diba?" "Sorry Elisha pero si Ronald na ang partner mo bukas," pagtingin ko sa Ronald na ‘yong pakaway-kaway pa na todo ngiti. "Dom! Tamaan mo 'ko para tayo ang maging mag-partner!" sigaw ni Vargas, masyado s'yang energetic ngayon pero alam ko namang pareho ang tinatakbo ng isip namin ni Dominie. Ayaw rin n'ya ng partner bukas para makahanap ng mga pogi. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari at nananood na lang sa mga naglalaro pa. Wala pa rin atang gustong maging partner si president. Takot ba sila kay Eunjean o dun sa buntot ng buntot sa kanya? "Dom! Tamaan mo na k—" Sapul sa ulo si Eunjean ng isang pitch ball, sino kaya ang nagbato nun, lagot s'ya ngayon. Kawawa naman sya napaupo na sa sakit. Wait a minute! My Stefan is coming. Don't tell me s'ya ang naghagis ng bola? Lumapit si Sir sa kanya at mukang alam ko na ang pumapasok sa utak ng teacher ko. "Mr. Carter, gusto mo bang mag-participate sa three-legged race bukas? Kaysa naman maghapon lang kayong manggulo sa school. Kulang kasi kami sa klase at tutal ikaw naman ang nakatama ng bola kay Ms. Vargas, kayo na lang ang magpartner." "No! Hindi Pwede!" kailangan makielam na 'ko, "Ganito na lang, change partner na lang kami ni Eunjean. Sa kanya na si Ronald at kami na lang ni Stefan." mungkahi ko para sana kami na lang ni Stefan ang magkasama bukas. "Gusto ko sana yan kaso hindi naman ako ang nagbato ng bola." "Stef bakit ang tagal mo! Nasaan na ‘yong bola ko?" Dumating ang one and only bestfriend ni Stefan at nabubugnot na naman. Pinapahirapan n'ya pa ang Stefan ko! Teka! Ayoko s'yang maging partner, kung ano-ano pang suggestion ang pinagsasabi ko. "Lavi, gusto mo bang sumali sa three-legged race bukas?" tanong ni Stefan sa bestfriend n'ya. "At bakit ko naman gagawin ‘yong? Nasaan na ‘yong bola ko." "Natamaan mo sya sa ulo," turo ni Stefan kay Eunjean. Nilapitan ni Lavi si Eunjean magso-sorry kaya s'ya at dadalhin sa clinic ang president? Wow eksena sa mga highschool drama. "May magnet ba ang ulo mo? Lahat ng malas dumidikit sa'yo." Ay mali ata ako. Hopeless na talaga 'tong kaibigan ni Stefan. *** Eunjean's POV : Nasa starting-lane na 'ko para sa race pero wala akong partner kaya nagmumukmok na lang ako dito. Anong silbi ng intrams kung di ‘yong sisimulan ng three-legged race. Pero may kung sino na lang na humila ng damit ko. Si Lavi? Nilakihan lang n'ya ko ng mata, "Dalian mo na kaya! Ano pang hinihintay mo? ‘yong tali." "Thank you talaga. Promise gagalingan ko para manalo tayo." "Wala akong pakielam." Malapit na mag start ang race pero hindi ko mapigilang mapangiti kasi kasama ko s'ya ngayon. Kasama ko ngayon ang playmate ko. READY. SET. GO. Binilisan ko ang pagtakbo, oo nga pala mabagal tumakbo si Lavi. Nadapa pa kami. Kakahiya. Nakakahiya sa kanya. Patay na naman ako sa kanya mamaya dahil nasubsob sya. "Kasalanan mo 'to!" "Sorry." "Badtrip! Bilis! Tumayo ka na d'yan. Hindi ako makakapayag na matalo! Nakasalalay sa'kin ang pangalan ng Zeta-Roma!" Mataas ang energy n'ya ngayon. Muli kaming tumakbo at dahil sa energy n'ya nalagpasan namin ang mga nauna kanina. Second place kami! Second place kami! Ang galing! "Thank you sa pagpayag mong maging partner ko kaso second place lang tayo." "Slow ka talaga. Kasama sa strategy ko ang maging second place. Kung nanalo tayo edi kailangan pa nating lumaban sa finals, makuntento ka na lang doon." Ang suplado n'ya ngayon pero ‘yon kasi ang nagpapaganda ng aura n'ya. Umalis s'ya at malayo na sa'kin at hinahabol ko pa rin ng tingin. Lagi ko na lang atang ginagawa to. *** Lavi's POV : Nakakabagot sa baba, presko pa dito sa rooftop ng second year, kitang-kita ko ang buwan, syempre ang boring na tao lang ang bored, mas enjoy 'tong ginagawa ko. SKY LANTERN. Kapag bumagsak 'to sa baba siguradong magkakaroon ng sunog bwahahahaha pa'no ko ba to mapapalipad sa office ng tatay ko? Maghintay ka lang na matapos ko 'to, kung ano-ano kasi ang pinagkakaabalahan ko. Nakalimutan ko na tuloy ang ipinunta ko dito. Inuubos ko ang oras ko kay Ms. President. Masarap lang talaga s'yang asarin at doon ako nag-eenjoy, period. Bakit ba ko nagpapaliwanag sa sarili ko? "Ano ‘yang ginagawa mo?" boses n'ya ‘yong. Bakit s'ya nandito? Lagi na lang kaming nagkikita. "Bumaba ka na lang. 'Wag ka ngang sulpot nang sulpot kung nasaan ako." "Edi bumaba, ang sungit mo naman." "Ay sa wakas natapos ko na rin," akala ko ba bababa s'ya eh bigla na lang s'yang lumapit para tingnan 'tong sky lantern ko. "Wow magic? Pa'no yan lumilipad?" Napaka-ignorante n'ya, ang inosente naman. Ang cute nya—ay peste, kaya ayokong nakikita s'ya kung ano-ano tuloy ang naiisip ko. "Sky Lantern yan engot, hindi mo alam? " "Pa'no yan makakalipad?" "Pareho lang sila ng konsepto kung pa'no pinapalipad nang mainit na hangin ang mga hot air balloon," aba may oras pa kong magbigay ng trivia sa kanya. "Hindi ko pa rin ma-gets. Hindi ko ma-absorb." "It's not rocket science. It's not that hard to understand." "‘Yong accent mo," nakanguso n'yang sabi. Hindi na s'ya nagtanong pa, pinanood n'ya lang ang paglipad palayo ng sky lantern ko. "Parang wishing star ang sky lantern mo." "Hanggang sa pangarap ka na lang makakakita ng wishing star, asa ka pa," hindi man lang s'ya nag-react sa pangbabara ko. Tiningnan ko s'ya. Nakatanaw pa rin s'ya sa sky lantern. Bakit ba 'ko nag-aabalang panoorin ang taong 'to? "Kung wishing star man yan o sky lantern, pareho lang naman nilang hindi tutuparin ang wish mo," pangbabara ko ulit pero no reaction ulit sa muka n'ya. "Papayagan mo ba 'ko?" Ano bang sibasabi n'ya? Parang may kakaiba sa itsura n'ya ngayon na parang ang lungkot-lungkot. "Sa ano?" "Kunwari wishing star ang sky lantern mo." "Tapos?" "Pwede ba kong magwish sa star mo?" ♪ Why oh why do I feel this way ..♪ ♪ When I'm with you I feel so alive..♪ ♪ Why oh why will I hide away..♪ ♪ I can't help it..♪ ♪ I'm falling in love.. with you..♪ Bigla na lang akong natulala sa kanya. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan. Hinawakan ko ‘yong dibdib ko, manahimik ka dyan, pwede! 'Wag mo kang maingay d'yan! Hindi. Wala 'to. Kulang lang siguro sa pangbu-bully. "Okay ka lang? Namumula ang muka mo. Baka highblood ka." Hindi ako nakapagreact nang hawakan nya ang pulso ng leeg ko. Lahat na ata ng dugo ko umaakyat sa muka ko. Ako ang kinatatakutan ng mga estudyante dito pero ngayon, napapaatras ako ng babaeng nakilala ko lang dahil tinamaan ako ng lumilipad n'yang sapatos. Tinanggal ko ang kamay n'ya sa leeg ko, ewan, hindi ko agad nabitawan ang kamay n'ya, Nahawakan ko na ang kamay n'ya noon. Gusto ko bang ulitin ‘yong? Bakit? It's just holding hands, kahit kaninong babae pwede ko ‘yong gawin kahit anong oras ko gusto. Hindi na naman s'ya mapakali kapag tinititigan ko s'ya gaya ng ibang mga araw. Akala ko natutuwa lang ako kasi masarap s'yang asarin. Pero kinalabit ako ng realidad at kung anong dahilan ng pagpunta ko dito. Inalis ko nang padabog ang kamay n'ya at lumayo sa kanya. Hindi 'to pwede. Guminhawa ang pakiramdam ko nang makauwi ako at makaupo sa sofa habang nakataas ang paa. Kitams, nawala na ‘yong kakaibang feelings. Kinuha ko ‘yong cellphone nang tumatawag ang isang kaibigan, buti naman at naalala pa ko ng taong 'to kahit busy. "Wazzup lizard? Aren't you busy for your concert and you still have time to call me? Nope. I'm not a fan and even I can afford your expensive ticket I won't watch you swag on stage haha just joking. But if you have time after your concert let's have a dinner together." Hindi ko na hinabaan ang kwento sa taong ‘yong dahil alam kong busy s'ya sa buhay-buhay. Ngayon kailangan ko namang linawin ang mga issues ko sa babaeng ‘yong. "Bakit s'ya ang wallpaper ko? Pass. Bakit niyaya ko s'yang lumabas? Pass ulit. Bakit ko hinawakan ang kamay n'ya?Gusto ko lang, ayoko ng explanation, sige na nga, pass na ulit." Biglang sumulpot si Stef na may dalang box ng pizza sa harap ko. Kainis, may narinig kaya s'ya sa pakikipag-usap ko sa sarili ko kanina? "Kanina ka pa nakikinig? " "May dapat ba akong marinig?" Nakahinga ako ng maluwag dahil safe na naman ako. Hindi ko na ulit gagawing makipag-usap sa sarili ko sa mga susunod na araw. "Para kang may sakit. May pizza ako dito oh," pag-aaya ni Stef kaya tumayo ako at sinimulan nang sintensyahan ang pasalubong nitong kaibigan ko. "Pakiramdam ko din may sakit ako. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko, natatakot na 'ko baka kung ano na 'to. Magpa-check up na kaya ako noh?" Tinignan lang ako ni Stef habang ngumunguya s'ya, "I'll observe you, hindi mapakali? May senyales ng pamumula ng muka? Extreme confusion at higit sa lahat, unexpected palpitation?" "Hala! Yan nga lahat ng symptoms," bilib na bilib na ako sa kaibigan ko eh. "You suffer Amor Deliria Nervosa." "Anong sakit ‘yong? Nakakahawa ba 'yon? Bakit ako nagkaroon ng ganung sakit?" Naalarma ako dun ah, may seasonal affective disorder na nga ako at chronis rhinitis tapos ngayon may bago na naman? "Don't worry, isang tao lang naman ang mahahawaan mo, sa tingin ko infected na rin s'ya." Tumayo si Sef at nag-unat-unat. Anong klaseng sakit ‘yong? Isang tao lang ang mahahawaan? "Matutulog na ko. Tsaka nga pala, siguradong si Pres ang dahilan nyan." Ano! Sabi ko na nga ba! May nakakahawang sakit ang babaeng ‘yong kaya pala mula ng makilala ko s'ya kung ano-ano na ang nararamdaman kong kakaiba! Mai-google nga ‘yong sakit na ‘yong para malaman ko kung pa'no ba ko gagaling? SEARCH. AMOR DELIRIA NERVOSA. RESULTS FOUND. Nabitiwan ko ang cellphone ko. Napasandal sa sofa at huminga ng malalim. Pa'no nangyari sa'kin to? Isang malalalang sakit na hindi ko na maiiwasan. Gusto kong pasabugin ang kwarto ni Stef ngayon pero madadamay ako sa pagsabog 'pag nagkataon eh. Hindi to pwede! Katapusan ng mga plano ko! At si Eunjean pa talaga ang dahilan? Amor Deliria Nervosa also know as falling in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD