Lavi's POV : Dumating ako sa hotel na tinutuluyan ni Auntie. Naghihintay s'ya sa resto. Malayo pa lang ako nararamdaman ko na s'ya, hindi dahil sa lukso ng dugo kundi dahil sa itim na shakra na bumabalot sa kanya. Exaggerated talaga ako. Kailangang magmuka akong matapang pagharap ko sa kanya kundi madadaig na naman niya ang self confidence ko at tatapaktapakan na naman nya ang pagkatao ko. Naupo ako sa tapat n'ya habang s'ya binugahan ako ng usok galing sa yosi n'ya. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang s'ya naman ay nagbigay ng mga papel sa 'kin. Binugahan n'ya ulit ako ng usok. Ano ba tingin niya sa'kin? Pangsabong na manok? "Alam mo ba kung ga'no kalaking abala ang ginawa mo? Ang daming papers ang kailangan ang pirma mo. Your signature is so expensive, akalain mong pi

