"Eunjean Vargas, makipagkita ka sa'kin sa tapat ng fountain ng dorm, 4pm, maghihintay ako." Basa ko sa nakasulat sa black board namin. Ano ba naman 'to, wala man lang privacy, inilagay pa talaga sa mababasa ng lahat, tinutukso tuloy ako. "Sino kaya yan baduday? May secret admirer ka ata. Ang haba ng hair—ay hindi nga pala, ang ikli ng hair," tili ni Dom with kasama pang hampas sa braso ko. "Duda ako. Parang mababanatan ako mamaya kapag sumipot ako doon," biro ko kasi hindi naman ako kumbinsido na admirer ang may gawa nito. Baka gawa lang 'to ng may galit sa akin at pinapainan ako para may pagkakataon na s'yang gumanti. "May kutob ka ba kung sino 'yan?" usisa naman ni Elisha na kilig na kilig. "Wala e. Tsaka baka trip-trip lang n'ya yan, baka joke lang," sagot ko. Inakbayan ako ni

