Eunjean's POV : Alam mo ba ang pakiramdam na may isang lugar kang pinangarap mapuntahan kasama ang isang taong magugustuhan mo pero nang mapuntahan mo na ang lugar kasama s’ya, may katabi namang iba? Sana hindi na lang ako nakarating dito. Kaya ayokong mangarap. Hindi ko na napansin ang oras. Gabi na agad. Natulala ako sa ganda ng fountain na may music habang sumasayaw ang tubig. Ewan ko kung anong tawag dun basta nakaka-tulala. Masarap panoorin ang fountain pero hindi nagtagal ang atensyon ko doon dahil nakatingin ako ngayon sa nagpapalungkot sa'kin. Hindi ko alam kung bakit tinititigan ko ‘yon kahit alam kong hindi okay sa'kin ang makita silang magkasama. Sa mga oras na 'to. Alam ko na kung bakit. Nagseselos ata ako. Nakita ako ni Lavi na napatingin sa akin at nagawa ko lang ay umiwa

