29. Carousel Ride

2723 Words

Eunjean's POV : Kinakaladkad na naman n'ya 'ko papunta kung saan at tiningnan ng masama. "'Wag ka ngang lumapit sa taong ‘yon," sermon n'ya sa'kin pagdating namin sa likod ng sophomore building, "layuan mo ang pinsan ko. Pa'no mo ba nakilala ‘yon? 'Wag ka ngang sama nang sama sa taong kakikilala mo pa lang. Pa'no kung may gawin s'ya sa'yo? Akala mo ba lagi akong nasa tabi lang para iligtas ka kapag napahamak ka na naman?" Sinisermunan n'ya 'ko pero natutuwa ako. Ewan, ang sarap pakinggan eh. "Nakakahiya naman sa pinsan mo, bigla na lang nating iniwan." Nakakunot lang ang noo n'ya, "hindi mo dapat iniintindi ang mga makikilala mong kamag-anak ko," sabay patong ng kamay n'ya sa ulo ko. "Kumain ka na?" malambing n'yang tanong at pag-iling lang ang sagot ko, "ilibre mo 'ko ng kwek-kwek,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD