Lavi's POV : Pagsakay namin sa kotse hindi pa s'ya mapakali dahil hindi n'ya maikabit ang seatbelt. Ang engot talaga. "Ganito lang yan oh," inalis ko muna ang seatbelt ko nang makalapit kay starfish at ako ang magkabit sa seatbelt n'ya. "O ayan…okay na?" Pagtingin ko kay starfish para s'yang naiilang. Siguro dahil sobrang lapit ko sa kanya sa masikip na lugar na 'to. Grabe ang ganda ng mga mata n'ya. Lalo na yung labi n'ya, t-teka, eto na naman ako. Palapit na ako sa kanya nang may ilaw na tumama sa loob ng kotse namin, bigla akong napa-atras at napasandal sa upuan ko. "T-Tara na," pagyayaya ko na halata ang awkwardness. Habang nasa byahe kami nagsalpak s'ya ng USB sa kotse, don't tell me— *NOW PLAYING : CROOKED BY GDRAGON* "Nagpaalam ka?" bara ko. Nagulat na lang ako nagsuksok

