Trombonista ng buhay ko Chapter 25 SI MARK Oras, sa bawat patak nito katumbas ng isang sandaling di na pwedeng balikan, sandaling sa paglipas ay magiging isang ala-ala na lamang. tulad ng isang orasan na tila hindi napapagod sa pag ikot, mga kamay na hindi nangangalay sa pag galaw, mga numero na hindi nababago, oras na tatatak ngunit lumilipas. Ngunit sa paglipas ng panahon, baterya nito'y nauubos. biglang hihinto. biglang titigil ang galaw. Di sigurado kung kailan, pero darating ang araw na ito'y mawawalan ng lakas, mga kamay di na gagalaw, mga numerong di na masisilayan at bateryang di na muling magpapakinabangan. darating yung panahon na ang dating tila walang katapusang pag ikot ay bigla nalang hihinto at di na muling iikot. Malayo palang yung tricycle ay natanaw ko n

