"AAHH!" napabalikwas ako ng bangon at hawak ang dibdib dahil sa sobrang kaba. Ginala ko ang tingin sa paligid at kadiliman ang sumalubong sa akin. Nanaginip na naman ako! Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang mga daliri ko. Inaninag ko ang orasan na nakasabit sa dingding at tinuturo nang mga kamay nito na alas dos imponto na nang madaling araw. Sumandal ako sa sofa at pinahupa ang kabang nararamdaman ko. Bakit kaya ako nanaginip ng gano'n? Posible kayang buhay pa si Goyong? Pero patay na siya! Wala na si Goyong pero ginugulo pa rin niya ang mga panaginip ko. I burried my face on my palms. Ano ba ang gagawin ko para matigil na ito? Pakamatay kaya ako? Bigti? Hindi puwede. Pasagasa kaya ako sa pison? Hindi. Ayokong brutal ang kamatayan ko. Uminom kaya ako ng lason? Mas lalong hindi pu

