HINIHINTAY kong tumama sa akin ang matulis na kahoy na hinagis ni Niwa ngunit makaraan ang ilang segundo ay wala naman akong naramdaman sa katawan ko. Minulat ko ang aking mata para tingnan kung ano ang nangyayari at nagulat ako nang makitang hawak ng isang diwata ang katawan ng isa pa. Hindi ko na rin nakita sina Awina at Niwa na marahil ay agad na nakatakas. Oh, my God! Sinalo niya ang matulis na kahoy na dapat ay sa akin! Agad ko siyang nilapitan at hinawakan. "Bakit mo ginawa iyon!" manghang tanong ko. Nakangiti pa siya nang tingnan ako kahit na alam kong nahihirapan na siya sa paghinga. "May lason ang dulo ng kahoy na ginamit ni Niwa," imporma sa akin ng isang diwata. "Sefira," usal niya, "maligaya ako at nakilala kita. Maligaya ako at nailigtas ko ang iyong buhay," dagdag

