Episode 1
Kulay bughaw ang kaniyang mga mata, kulay labanos at makinis na balat, perpektong hugis ng mukha at labi, at magandang pangangatawan, Sabi nga ng iba makapanglaglag panty ang kaniyang kagwapuhan at bukod pa dito ay mayaman ang kanilang angkan.
Halos nasa kanya na ang lahat,Pano ba nga naman may dalawang mansyon sila; Ang mansyon na tinitirahan nila ngayon sa Maynila at ang bahay bakasyunan nila sa Laguna na dati nilang tirahan ngunit lumipat sila nung nagkolehiyo siya.Pag mamay-ari pa nila ang tatlong branch na sikat na store na "Chanel".
Siya si Zeus Montenegro,Isa siyang basketball player at Isa sa pinakamatalino sa campus.Siya nga ang "Campus Crush" ngunit hindi siya tulad ng ibang gwapo na mahangin at mayabang dahil hindi siya nakikihalubilo sa mga tao at tahimik lang siya,laging mag-isa kahit nga ata maghubad ka sa harapan e hindi ka niya papansin.
Sa totoo lang, dalawa lang ang kaniyang kaibigan; Si Dionysus,kabaliktaran ito ni Zeus dahil isa itong chicboy at mahilig pumarty at Si thenthen,palayaw niya ito hindi alam ni Zeus kung ano ang tunay na pangalan.Si thenthen ay kababata ni Zeus sa Laguna ngunit di na niya ito nakikitapa dahil lumipat siya ng maynila para makapagkolehiyo na siya.
Ang mga magulang nito ay si Mariel at Gab Montenegro,ito ang mga nagpapatakbo ng kompanya nila.Nagiisa siyang anak at Masaya't buo ang kanilang pamilya ngunit nung elementarya pa lang si Zeus ay namatay ang kaniyang Ina kaya kahit malakas kumita ang kompanya nila ay hindi manlang magawang ng ama niya na magsaya.Pano nga naman daw siya magiging masaya kung hindi na sila kompleto tulad ng dati sa mga achievement na ganito.
Pati si Zeus ay madalang ngumiti,Mama's boy kase siya. At paulit ulit niyang sinisisi ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng Ina niya. Kung hindi nga daw siya nagalit dahil busy na lang lagi ito at hindi niya nakakasama ay hindi sana siya nito susunduin na kinadahilan ng pagkamatay ng Ina niya. Hindi naman siya sinisisi ng kaniyang ama dahil alam naman niyang wala siyang kasalanan at isa lang siyang batang munti noon na gustong makasama ang Ina niya tulad ng ibang kaklase niya.
Hindi niya pa rin matanggap ang nangyare at lagi niyang hinihiling na sana pwede niya ibalik ang panahon na iyon para buhay pa ang kaniyang Ina ngunit malabong mangyare,sampung taon na din ang makakalipas.
*Fast forward*
Zeus Pov :
Mommy,miss na miss na kita.Malapit na po ako grumaduate ng college at magiging doctor na po ako,sana po nandito kayo para ikaw po ang kasama ko umaakyat sa stage.Alam ko pong masaya ka po para sa akin mommy,sana po nandito kayo para mayakap ko.-Ani ni Zeus sa puntod ng Ina niya.
Kasalukuyang nasa sementeryo ito kung saan nakalibing ang Ina niya,madalas nitong dinadalaw ang kaniyang Ina;dalawang beses sa isang linggo.
Alam mo ba mommy,Si daddy madalas ng nakatulala at puro tulog pag uwi sa bahay simula nung nawala ka.Grabe ka niya kamahal,ang dami ngang papansin na babae na nagpapansin sa kaniya pero hindi niya pinapansin na para bang wala siyang nakita.-patuloy na pagkekwento ni zeus
Minsan nga tinanong ko siya kung wala ba siyang balak magasawa ulit dahil sa kagwapuhan niya na iyon tsak na makakahanap pa siya ngunit Ang sagot niya lang ay "Nangako daw siya at ikaw sa harap ng diyos at maraming tao na magmamahalan kayo ng walang hanggan at kahit sa huling hininga niyo"- nakangiting pagpapatuloy ni Zeus.
Nakakabaliw siguro ang pagmamahal mommy...- Ani niya na natatawa.
Kase ang tagal mo ng wala pero iyon si daddy malungkot pa den sa pagkawala mo,halatang mahal na mahal ka niya at alam kong mahal mo den siya at siyempre pati ako-Ani pa nito.
Pagkatapos niyang magkwento nilapag niya ang puting rosas sa tapat ng picture ng mama niya.
Mommy,iyan pinagdala kita ng rosas dahil alam kong paborito mong bulaklak yan.Ang ganda diba? para sayo yan mommy-Masayang ani ni zeus.
Tumayo siya upang umalis na.Nakasakay na sana siya at papaandarin ang kotse ngunit nung kinapa niya ang bulsa ay wala roon ang susi.
Kaya't bumalik siya sa puntod ng Ina niya ngunit papalapit na siya ng matanaw niya na may babaeng di katangkaran,mahaba ang buhok hanggang bewang at nakapulang bistida sa tapat ng puntod ng mommy niya.
Kaya't lumapit na siya at tinanong ito.
Sino ka?Kaano ano mo ang mommy ko?-Pagtatakang tanong niya.
Humarap ito at bakas sa mukha ang pagkagulat.
Pabitin muna hahahahahahah pasensya na.Thank you for reading,Stay safe!