Madali s'yang umuwi sa mansion nang tumawag ang yaya ng kan'yang mga anak na umiiyak raw ang dalawa at hinahanap siya. Hindi na tuloy siya nakatagal sa bar na pinuntahan niya dahil nataranta na siyang umuwi. Magdadalawang taon pa lamang ang mga anak nila ni Levi. Si Adi at si Azi. Isang babae at isang lalake ang naging bunga ng kanilang pagsasama noon ni Levi. It took her two long years before she's able to come back. Tinulungan niya muna si Tiger sa huling mission nito at nang isinilang niya ang kan'yang mga anak ay palagi na lamang siyang pinapaimbestigahan ng kanilang organisasyon. Wala namang problema sa mga kasama niya sa Pilipinas dahil halos lahat ay mga kaibigan lamang niya at pinoprotekhan siya ng mga ito. Although, she was not granted to leave the organization, pumayag naman a

