Samara Naka dekwatro pa siya habang umiinom ng kape sa cafeteria ni Cathalea.Maaga siyang nagising , she is craving for coffee at kumikirot ang ulo niya dahil kagabi. Parang multo talaga ang kuya niya na palagi na lamang sumisipot sa oras na gusto nito.Sana pala ay hindi na niya tinanggap ang regalo nitong condo para wala itong ideya tungkol sa hideout niya. " Hoy, tatawa tawa ka dy'an?" sambit sa kan'ya ni Cathalea. Hindi niya napansin na para na pala siyang sira na napapangiting mag-isa .Iniisip kasi niya ang nangyari kagabi, sa wakas na pagdiskitahan niya si France sa panlalait nito sa beauty niya. " Natutuwa lang ako kasi may boyfriend na agad ako, andali lang naman pala noh? Walang ka effort effort!" proud niyang sambit sa kaibigan. " Hmmmp? Ano naman ang ginawa mo ha?" " Well,

