"Cathalea Valkyre Mondragon - Johnson, will you marry me?" sambit ni Levi sa kan'ya nang makarating na sila sa loob ng convention hall ng hotel. Nasa pintuan pa lamng sila nang biglang lumuhod si Levi at nang may nag-abot ng mic sa likuran nito ay bigla na lamang itong nag-propose sa kanya. Pero bago magsalita ay tiningnan muna niya ang mga napakaraming tao sa loob ng venue. Naroon ang lahat ng Mondragon at Stanfords pati na rin ang mga kaibigan niya ay nag-aabang na sa kan'yang sagot. "Alam mo na naman ang sagot ko sa tanong mo right? Nag-effort ka pa talagang lumuhod Levi, simula't sapul ay alam mo namang patay na patay ako sa 'yo kaya tumayo ka na d' yan dahil ayaw ko ng drama!" hinila niya ito at siniil ito ng halik. Tumayo naman ang mga bisita at nagsipalakpakan. " No more d

