" Ate Samara!" sigaw ng isang batang babae na tuwang tuwa nang makita siya. Si Sasa ang pinakabunsong batang babae na anak-anakan niya. May siyam pa itong mga nakakatandang kapatid sa squatter area na iyon. Ulilang lubos na ang mga ito dahil namatay na ang mga magulang noong baby pa lamang si Sasa. Nakilala niya ang mga magkakapatid sa kalsada , nangangangakal ang mga ito ng mga basura at binebenta ang mga plastic na bote na napupulot .Ang panganay ay si Maxwell, disinueve anyos sumunod sina Lea, Nancy, Gen, Gera,Joenard, Baby , Albino, Gerwina at Espie.Naawa siya sa kwento ng mga ito kaya sinundan niya ang magkakapatid sa bahay ng mga ito at nakita nga niya ang sitwasyon ng mga ito. Pero ngayon ay hindi na nangangakal ang magkapatid. Pianaaral niya ang mga ito sa malapit na pampublikong

