Puspusan ang paghahanda nila para sa Press conference ng Mayor mamayang gabi. Maraming mga pulis ang nakakalat upang siguruhin ang kaligtasan ni Mayor Zandro. Maraming mga press ang pupunta at magbabato ng ilang lataningan rito ukol sa kalusugan at sa kaso ng muntikang pagpatay rito noong kaarawan nito. " Are you okay?" tanong ni France sa kanya.Sinapo nito ang kanyang noo. "May lagnat ka, Cath!Umuwi ka na kaya? Kaya na namin 'to! " nag-aalalang sambit nito sa kanya. Hell, yeah mataas talaga ang lagnat niya at sa tingin niya ay hilong-hilo na siya. " What's wrong ,Valkyre?" dinig niyang tanong ni Levi, siguro napansin nito ang pagiging matamlay niya at ang pagdampi ng palad ni France sa noo niya. Kahit kilala na ng lalake si France ay ayaw pa rin nitong may humahawak na iba sa kanya.

